• Ako para sa Pagbabago!!! • Ilang araw na lang at MAGKAKADAYAAN NA!!!

Ako ara sa Pagbabago – Mga mahal na tagasubaybay at nagbabasa ng aking simpleng kolum, inaanyayahan ko kayo na i-konsidera ninyo ang mga sumusunod na kandidato. Para Presidente – JEJOMAR BINAY, Bise Presidente- BONG BONG MARCOS, Congressman- Mark Go, Mayor- DEL CLARAVALL, Vice Mayor – Ed Bilog at ang labin-isang Councilors (pasensya na po mga dear readers at sampo (10) lang talaga ang sa tingin ko ay karapat-dapat) : No. 1 – op cors si Bungo, No. 2 – op cors si Datuin, No. 3- op cors si Olowan, No. 4 – op cors si Sembrano, No. 5 – op cors si Fianza, No. 6 – op cors si Yaranon, No. 7 – op cors si Yangot, No. 8 – op cors si Erding Balajadia, No. 9- op cors si Atty. Avila, No. 10- op cors si Atty. Ueda (itong si Ueda, hindi ko kilala ito pero pakiusap ng aming impakto este de facto publisher na ikampanya ko daw, kaya OK lang.)

#####

Ilang araw na lang at MAGKAKA DAYAAN NA – Nakaranas ang inyong linkod ng katakot –takot na inuman at lasingan courtesy ng mga talunan na mga nakaraang eleksyon. Yung mga nanalo, isang good tayman lang during thanksgiving and victory party at tapos na; ngunit yung mga talunan, gabi-gabi for 3 to 6 months. Mas matindi ang sakit at kung minsan ay na-uuwi pa sa iyakan at murahan at kung anu-ano pang basag-ulo mula sa mga talunan sa eleksyon lalung lalo na sa mga kandidatong nag borderline up to the no. 20 sa ranking. Tunay na napakasakit kuya Eddie. Hi Hi Hi. Ok lang sana kung malaki ang agwat at tunay na better luck next time at try and try ‘till you die na lang muna este try and try ‘till you succeed, tutal naman mabilis ang 3 years. At ang isa pa na masakit ay ang makikita natin mula sa mga talunan sa LP (Lokoloko [UNGOY] Party Ng Daang Matuwad ) kung saan ang ilan sa mga kandidato nila katulad ni Beneco Director Jun Orca (may nagawa ba itong taong ito nung PB sya???), Cabato (sino siya, ah yung tuta ni Aliping????), Ron Perez (recidivist-trying hard city councilor candidate, maglakad ka ng nakaluhod sa Baclaran at baka makalusot ka na ngayon ), Paraan (sayang ang kandidatong ito at sumama kay Aliping at hindi na inisip ang na pakagandang pangalan ng mga Paraan), si Konsehal Alangsab (eto yung dating Guro at dating Punong Barangay na Mister Macho na may makulay na buhay Hi! Hi! Hi! ). Nakalulungkot mang sabihin ngunit mukhang mananalo ang mokong na ito, base sa inpo mula sa aking mga DPA (deep penetrating angels), sana nga lang at number 12 ka, pero ok lang kung sakali mag number 15 ka, PWEEEEEE! Etong si Allad-iw, kasi daw dati naman na siyang LP kaya mas ginusto pa niya na isang-tabi ang tamang prinsipyo at sumama kay Aliping. Ano ba ang nangyari sa iyo kaibigan? Kung nag-independent ka na lang sana, ikakampanya pa kita sa aming angkan at sa marami kong mga kaibigan, bagamat mabuti na rin at ipinakita mo rin ang iyong tunay na kulay na isa kang tuta ni Aliping at ni Pangulong “Daang Matuwad” Aquino l!!! Ang tanong ngayon ay, ano ang ibig kong sabihin sa MAGKAKADAYAAN? Mga dear readers, ang ibig kong sbaihin ay hindi magkakadayaan sa Comelec, ngunit yaan ang ipagsasabi ng MGA TALUNAN – NAGKADAYAAN AT NADAYA SILA KAYA HINDI SILA NANALO. AGA AMO TAYON! MGA BUWISIT KAYO, SASALI –SALI KAYO SA KAMPANYA AT HINDI KAYO MAKATANGGAP NG PAGKA TALO?!!!