Ang Baho ng Bunganga !!!

Ano ba naman itong napasok natin na ito mga dear readers?! Ano ba naman itong Pangulo natin, isang pangulong nagmamalinis at binatikos ang isang senadora hinggil sa imoralidad! Ano ba talaga ang mga issue kay Senadora Desingko este Delima? Sa aking pagkakaalam ang issue ni PDu30 laban kay Delima ay hinggil sa mga drug links diumano ng Senadora na kesyo siya daw ay isang big time drug protector, eh bakit ang isyu ng moralidad ay napasok sa eksena at ang TUNAY NA KATAWA-TAWA ay ang nagbubunyag ng isyu hinggil sa moralidad ay si Pope Du30 este Pres Du30 na isang aminadong may dalawang nobya na kanyang dinadala sa motel nuong kasalukuyang siya ay nasa isang relasyon sa kanyang common law wife na si Honeylet! So, ano ba ang pinagkaiba ni PresDu30 kay Senadora, samantalang si Senadora ay hiwalay na. Hindi ako sigurado ngunit ano ba ang pinagkaiba ni Senadora kay PresDu30 ? Dapat sana ay sinabi ni PresDu30 sa kanyang pagbatikos kay Senadora na katulad ko rin na isa ring taong immoral at hindi niya dinikdik na si Senadora lang immoral na tao dala ng kanyang pagkuha ng lover na driver niya.

SO WHAT MR. PRESIDENT SIR, EH ANO NGAYON KUNG SAMPONG LALAKE ANG HINIHINDOT NI SENADORA, ANO PAKIALAM NINYO, ANO PAKIALAM NATIN?!?! Mr. Clean ba kayo sa larangan ng pambababae? Eh kayo nga mismo aminado na isa kayong babaero eh, ano ngayon kung manlalaki si Senadora? Ano pakialam ninyo?

Alam ninyo mga dear readers, tunay na mas kinaiingatan ko at iniiwasan ko na makihalubilo sa mga tao na nagmamalinis at yung mayroon bagang holier than thou attitude. Patay tayo sa mga taong nagmamalinis sapagkat sila ang mga sinasabing IPOKRITONG NAGMAMALINIS, THE WORST KIND OF PEOPLE AS FAR AS I AM CONCERNED at hindi mapagkakatiwalaan.

Kung si Senadora ay lumabag sa batas at sinabi ninyo na isa siyang Adulterer, aba eh hayaan ninyo na magreklamo ang asawa ng driver na sinasabi ninyong kalaguyo ni Senadora. Hayaan ninyo na idemanda nung asawa nung driver si Senadora at ang kanyang asawa na driver. Ngayon, kung OK lang sa asawa ng driver aba eh wala na kayong pakialam sa mga personal na buhay ng mga tao, hindi po ba Mr. Lawyer President?? Ikinahihiya ko ang mga naging mga batikos ni Pres Du30 at wala akong masabi para ipagtanggol ko ang aking Pangulo na ibinoto ko. Kapag kasama ko ang aking mga kaibigan na bumoto kay Grace Poe at kay VP Binay ay sagad hanggang buto ang inaabot ko na kantyaw na hindi ko kayang depensahan ang aking binoto na si Pangulong Du30.

ANO BA NAMAN ITO MR. PRESIDENT, IPINAGSASABI NA NG MARAMI NA TUNAY RAW KAYONG MAY SAYAD, MAY TAMA DAW KAYO?!! Sana ay haka-haka lang at kantyaw ang mga sumbat na may SAYAD AT TAMA SA ULO!!!

O mahal na Panginoon at Pilipinas kong Mahal , ANO BA ITONG PINASOK NATIN???