*Bago na Direktor sa DOTC-CAR!!! *LP, UNA-Timpuyog, NPC at Indie Party?

Bago na Direktor sa DOTC-CAR!!!- Maraming salamat Mahal na Panginoon at sinagot niyo rin ang matagal nang dasal ng napakaraming mga tao na mapalitan na ang direktor ng DOTC-CAR. Matagal na matagal ng pinagtatawanan ang mga nangyayari sa DOTC-CAR. Matagal nang nagdurusa ang marami sa mga taga CAR hinggil sa pamunuan ng DOTC-CAR. Hindi ko na nais na banggitin kung sino yun *&%$#@$$$*&_(& INU _ _ _ na umexit na director ng DOTC-CAR, basta’t ang nais ko na lang ay mag-celebrate sa naging very-very-very-very GOOD decision that finally nasibak na siya sa puwesto. Hay-yay-ay! Napakatagal nating nagtiis sa lahat ng kabulukan (MGA SOBRANG TINDING KORAPSYON, KOLORUM etc…) na nagaganap sa DOTC CAR na sana manawari ay magbago na sa bagong liderato ni Atty. Joel Natividad.

Ang tanong ngayon ay, ano naman kaya ang siste nitong si Director Natividad? Pananatlihin kaya niya ang bulok na korap na sistema ng DOTC at LTFRB-CAR o kanya itong lilinisin at ilagay sa tama? O baka naman palalalain pa niya ito?

Aabangan natin ito mga dear readers at makaaasa kayo na agad nating ipaaalam sa inyo ang hinggil dito.

Sa ngayon ay nais ko lang munang iwanan ng isang malaking MABUKAY KA ATTY. NATIVIDAD!!!

####

LP, UNA-Timpuyog, NPC at Indie Party?- Mabuti na lang at maraming matitinding accomplishments ang ating butihing neophyte tongressman este neophyte congressman na si kagalang-galang na Apo Nicasio Aliping. Sa mga susunod na kolum ko ay aking iisa-isahin ang lahat nang kanyang mga accomplishments para inyong ma-unawaan at ma-appreciate. For a neophyte Congressman, malinaw na malinaw ang quality ng kanyang mga bills na-file at napalusot, bagamat hindi na lang ako magkokompara sa dating tongressman at baka mapikon pa si lakay. But you know your non-accomplishments when you were the tongressman (bato-bato sa langit kung sino ka man na tamaan ay dapat lang na magalit)! Kasi kung walang matinding mga accomplishments si Apo Aliping ay patay siya dala ng kanyang partidong LP o Lintik na Partido na kanyang dinadala (dala-dala lang *&%$$$#@*+*&) ang partidong mag-papalubog sa kanya.

Alam naman nating lahat na malabong makalusot si Mar Roxas kung hindi sila mag hohokus-pikos. Ngayon, kung makakayanan ni Roxas na dumistansya kay Penoy-Abnoy aba eh baka may pag-asa siyang makalusot, isang malaking kalabaw este baka lang. But a very long shot at that para makalusot si Roxas.

Sa nakikita ko sa aking ulong makintab este bolang kristal ang lulusot is kung hindi si Binay it is Miriam at pangatlo lang si Diyos ko Poe – huwag naman sana!

Ngayon, para bise president, matindi si BBM at pangalawa si keso este si Chiz at si Cayetano at pangapat si Leni Robredo. Yang sina Gringo at Trillanes lalabas mga yan sa kangkongan.