Casino attack, kaduda-duda??? ML na dapat sa buong Pinas!!! 3 lang ang pwiding i-rape ng bawat sundalo???

ML na dapat sa buong Pinas – Dapat lang siguro na mag martial law na sa buong Pilipinas para pagkatapos ng martial law ay ma-appreciate naman nating lahat ang hindi martial law. Sabi nga nila, in order to have a better appreciation of the good one, must go through the bad. Sino nga ba ang nagsabi nito? Sa pagkakaalam ko ay 6 feet below the ground na ang nagsabi nito. Hi! Hi! Hi! Pero sa tutuo lang, ano ba talaga ang agam-agam natin sa kasalukuyang martial law samantalang ito ay ibang istilo na ng martial law at hindi katulad ng martial law nung panahon ni Macoy (my idol). Bakit mga dear readers, wala ba kayong tiwala kaw PDigong? Dapat ay alisin na ninyo ang inyong duda at ibigay na ninyo ang 101% na suporta kay PDigong. Bakit ano bang kaduda-duda mga ginawa ni PDigong??? Ang layunin ng ML ay para magkaroon ng tunay na katahimikan. Sabi nga nila, dead men tell no tales. O di ayun, kung patay na tayong lahat ay tunay na matatahimik ang buong bansa. Hi !Hi! Hi! Kaya ang dapat na ang sigaw ay ML NA, ML NA, ML NA. NOW NA!!!

####

Casino attack, kaduda-duda – Medyo naguguluhan ako sa umatake sa Resorts World Casino. Parang hindi nagkakatugma ang mga naipapabalita. May nagsabi na mayroon siyang binaril, may nagsabi na ninakaw niya ang mga chips ng casino. (Saan kaya niya gagamitin yuon ninakaw niya? Maari sigurong meron siyang balak na bumalik sa casino para maglaro uli kapag naayos na yung mga sinunog niya na mga lamesahan sa casino.) Ano kaya at sino kaya talaga ang tao na yun na nagbaril na ng kanyang sarili at nagsunog pa? Ang tanong ko tuloy ay nag-baril kaya muna siya o nagsunog muna o sabay kaya niyang ginawa yun sa kanyang sarili? Habang nagsusunog siya ay binabaril niya ang kanyang sarili, multi-tasking ika nga? Hay, naku ang dami kong katanungan sa ngayon. Bagamat at least ay makasisiguro na raw tayo na hindi siya isang terorista o miyembro ng ISIS. Pambihira talaga ano, natalo lang siguro ng malaki sa casino ay nag hard loose na at ayun daming na tigok!

####

3 lang ang pwiding i-rape ng bawat sundalo – Sa tutuo lang mga dear readers, medyo nalilito ako dun sa spits ni PDigong kung saan sinabi niya na sagot niya ang sundalo na mag re-rape ng tatlo. Hinggil sa kanyang assurance na ito na kulang ng linaw ay nais ko malinawan, kaya eto ang ilan sa aking mga katanungan para sa aking klaripikasyon: (1) Paano kung ang ma-rape is 2 or 4 or 5 sagot pa rin ba ni PDigong? (2) Ang pwede lang ba reypin ay babae, eh pano kung lalake ang ma-rape o transgender, o bata (menor de edad) o senior citizen (amoy lupa na) hindi na ba sasagutin ni PDigong? (3) Yun bang pag rape ay pwede gawin kahit na weekends and/or day-off or kelangan gawin during official time, office hours ika nga, o good for 24/7 ang pribilehiyo? (4) Kapag mag re-rape ba ng hindi tao, o hayop , animal halimbawa, pwede rin ba 3 o kahit na mahigit 3 times? (5) Kapag mag re-rape ba kelangan Pilipino lang o pwede rin foreigner? Marami pa sana akong nais linawin, ngunit sa kakulangan na ng espasyo sa kolum ko ay next time na lang. O nga pala, sarcastic lang ako ha!!! Hi! Hi! Hi!