>Goodbye Oplan Tokhang!!! >Layas na mga Ambassador!!!

Goodbye Oplan Tokhang – Mabuti naman at naisipan ni Pangulong Digs na itigil na ang double barrel reloaded aka oplan tokhang. Nahimasmasan si Pangulong Digs at na-uga sa mga bali-balita sa larangan ng international community kung saan siya ay binabatikos ng husto at napakatindi at dala na rin ng pagbaba ng kanyang trust rating (bagamat mataas pa rin naman daw) kaya kanyang napag-isipan na bawas-bawasan na ang mga mga magiging biktima ng NANLABAN. Hi! Hi! Hi! Sino kayang tanga ang maniniwala na nanlaban ang libo-libong mga napatay; at siyempre ang EJK sa aking panananaw is here to stay. Remember, para duon sa atin na alam ang tunay na kalakaran ng mga nagsasagawa ng EJK sa aking pagkakaalam ay patuloy pa rin yun at ang matinding instructions nuon pa man ay ang dapat na tatamaan ay ang mga gumagamit at nagtutulak ng droga na mga small time. Hi! Hi! Hi! Tumigok naman kayo ng mga medyo big time na naka kotse at huwag lang parating mga small time na naka single o tricycle na naka tsinelas. Para ma-iba naman, tumumba naman kayo ng mga artista o mga anak ng mga heneral etc…, para kapani-paniwala na ang inyong war on drugs ay kapanipaniwalang tunay na war on drugs na walang pinipili at hindi lang war on drugs kontra mahirap. NALPAS!!!

#####

Layas na mga Ambassador– Nung nag-iispits si Pangulong Digs ay kanyang binatikos at sinabi na paki alamero ang mga opisyales ng European Union (EU) kaya ayun, todo banat si PDigs at kanyang pinalayas pa within 24 hours ang mga ambasasador na andirito. Kaya nga lang kinabukasan ay biglang kambyo naman ang kanyang spoksman na si Pastor Abella (sayang na sayang at Pastor ka pa naman). Kasi sabi ni Abella na kaya lang daw nasabi ni PDigs yun ay sa dahilang si Pangulo ay binigyan ng maling info. Hi !Hi! Hi! HOY kayo jan sa PCOO pati ikaw na Pastor Abella na spoksman, hindi na ba kayo nag-sawa sa kakapalusot sa mga binibigkas ng Pangulo? Kung na misinform ang Pangulo eh di sana ay sibakin agad ang tao o opisyale na nag-misinform sa Pangulo. Puros naman kayo pasulot este palusot na kaliwa’t kanan. Hay naku!!! Napakahirap ng inyong kalagayan at buhay jan sa PCOO at Mr. Pastor Spoksman Abella. Sa tutuo lang ay walang-wala ng kredibilidad ang inyong amo at pati na rin kayo!!!