HARI-HARIANG PRINCIPAL at TANGA-TANGAHANG DEP –ED OFFICIAL!!! Purisima Suspendido!!!

HARI-HARIANG PRINCIPAL at TANGA-TANGAHANG DEP –ED OFFICIAL!!! Purisima Suspendido!!!

Hari-Hariang principal at Tanga-Tangahang DEP-ED Official!!! – O Diyos Por Santo, Mama Mary, Mahal na Panginoon at Mahal na Birhen, bakit nga naman may mga tae  este tao na opisyales pa naman ng eskwelahan ang umaastang diyos-diyosan?? Saan ba naman kayo nakakita ng Public High School (New Lucban High School) kung saan kapag tanghalian ay hindi nila pinapayagan lumabas ang mga estudyante unless mayrooon daw written letter permission from the parents or guardians? ANO KAYO HILO? MGA ELEMENTARY NGA PINAPALABAS KAHIT SAAN ,  HIGH SCHOOL PA KAYA! ANO BANG KATARANTADUHAN AT KASIRAAN NG ULO ITO???? Sino bang diktadura na mala Kim Jong Un ng North Korea  o Basher Al-Asad ng Syria ang nagpakana nito; at ang masakit ay nag bubulag-bulagan ang mismong  top  DEP-ED official ng Benguet.  Ibang klase talaga kayo. HOY GISING – LETICIA  SAB-IT, Principal ng Magsaysay High School, New Lucban at FRANCES CESAR BRINGAS, OIC  School Division Superintendent  ng DEP ED, anong klaseng kontsabahan ang ginagawa ninyong dalawa? Mayroon ba kayong napapakinabangan sa inyong mga  iligal at mala diktadurang gawain? May korapsyon ba na kasama dito?   Sa ngayon isang munting kasabihan lang ang aking masasabi at ma-iiwan sa inyo at ito ay “ PEOPLE WHO LIVE IN GLASS HOUSES SHOULD NOT THROW  STONES.” Alam ninyo mag-papasko pa naman kaya medyo malamig ang aking ULO,  kaya lang dahil sa pinaggagawa ninyo ay pinapainit lang ninyo ang aking ULO. Hi ! Hi! Hi ! Siyanga pala Councilor ULO mag-bati na kayo ni Apo Tongressman este Congressman Aliping? (Let Bygones be Bygones with APO _ _ _ _ _ _ _ ),   its better to join forces  than to oppose one another. Hi ! Hi !Hi ! Paminsan minsan mga dear readers ay pinipilit ko (trying hard)  na  makapag-sulat ng kahit na isang sentence sa Ingles, Hi ! Hi ! , pero ang hirap!  ANYWAY – ATTENTION : LETICIA  SAB-IT at FRANCES CESAR BRINGAS  PWEDE BA UMAYOS  KAYO NG HINDI NA LUMALA  ANG PROBLEMA !?!?

####

Purisima Suspendido!!!- Mukhang tinatrabaho na nila si Chief PNP Alan Purisima (mukhang nabutasan ka Tsiong) na supposed to be ay hanggang 2016 pa ang kanyang termino  kasabay ng pagbaba ni PENOY. Alam ninyo mga dear readers itong si Purisima ay miyembro ng PMA Class 1981 , katulad rin siya ni AFP  Chief of Staff (COS)  Greg Catapang na siya ring Class 1981 (mag mistah ang dalawa). Maliban dito ay itong si Chief PNP Purisima ay  siya ring pinakamataas na opisyal sa Pilipinas ng Masons  o yung sinasabing Free Masons, isang organisasyon o international (very secretive –kuno) na  brotherhood. Sasali  sana ako sa mga Mason kaya lang una akong  na imbitahan ng grupo ng mga Panday pero mas  kursunada  ko maging steelman na lang. Hi ! Hi! Hi ! Jok lang mga kapatid na Mason. Sa ngayon ang dahilan ng pagkakasuspinde kay Purisima ay hinggil sa diumano ay ma-anomalyang transaksyon na pagpili ng courier company at saka na rin tungkol sa nawawalang mga AK 47 (one of the best high powered Russian made long arm) na diumano ay naibenta na sa kamay ng mga kalabang NPA.  Sa aking palagay ay maliit na bagay ang hinggil sa alleged favoritism of a courier company ngunit ang hindi pwedeng palampasin ay ang pagbenta o gun running lalo na sa kalaban na siguradong magiging resulta na gagamitin ng mga kalaban sa  pagpatay ng ating mga law enforcers at sundalo gamit ang mismong mga sandatang dapat ay nasa puder ng gobyerno. Kung may katotohanan ang mga akusasyon na ito ay pawang mga very serious and unforgivable grave human crimes ang mga ito na kung inyong iisipin ay ang ugat ay korapsyon o KATAKAWAN.  Kaya nga parati kong sinasabi ay dapat piliin ang kakanain at hindi basta lahat na lang ng makokorap ay kakanain sapagkat may mga bagay na katulad ng Mindanao Massacre, pagkawala ng AK47, pag-nanakaw ng pondo at donasyon para sa mga biktima ng Yolanda, itong mga halimbawa na ito ay may sinasabi na human moral ethical dimensions o yung sinasabing aspetong moral na kung saan ang resulta ng katakawan ng mga korap ay nagiging pahirap sa buhay ng mga inosenteng peace loving and God fearing na kababayan natin. Anyway, abangan natin ang magiging resulta ng imbestigasyon at resulta rin ng mga ongoing investigation  hinggil sa violation of SALN, unexplained wealth etc… ni Purisima. Paano na ngayon, eh di may mga  Ayer ng Class 82 – 85 ang umiinit na ang kanilang tumbong para maka-upo as Chief PNP ?!?! Anyway, nasa kamay na ni Pangulong JB o baka Pangulong G o Pangulong M  ang magiging Chief PNP sa late 2016.