>Ibinalik ang budget ng CHR!!! >Imbentong bank accounts!!!

Imbentong bank accounts – Ano ba namang klaseng kagaguhan itong pinaggagawa ni PDudirty at inimbento lang daw niya ang mga offshore bank account numbers ni Senator Trillanes?! Ow My God, bakit? Oh Diyos Por Santo, Mahal na Panginoon, ano ba ang nangyayari sa aming bansa at pinayagan ng ninyo na magkaroon kami ng isang pangulo na katulad ni Dudirty? Ano kayang aral ang nais ng Panginoon na matutunan natin sa kanyang pagpapayag na tayo ay maging isang katawa-tawang bansa sa mata ng international community? Isipin ninyo na sa dinami-dami ng pagmumura, pangiinsulto , pagsisinungaling na pinaggagawa ni PDudirty, kung halimbawa na ito ay ginawa ng pangulo ng ibang bansa ay matagal ng ipinatalsik ang pangulo na yuon. Bagama’t, tayo bilang Pilipino, ewan ko lang talaga kung hanggang kailan papayagan ng ating mga kababayan at ng Mahal na Panginoon ang ganito???

####

Ibinalik ang budget ng CHR – Ano ngayon ang kinalabasan ni Spikar Bibot Batibot Albaris at ng kanyang tutang sunod-sunuran na mga tongressmen? Hindi ba’t isa nanaman itong katawa-tawang hakbangin? Una ay pinutol ang budget ng CHR sa halagang P1,000 at pagkatapos, nang nakita nila na maraming nabu-buwisit ay agaran nilang ibinalik nila ang budget, eh di na uga sila sa ipinakitang pagka dismaya ng marming mamamayan! Bagama’t the damage has already been done ika nga sapagkat nakita na ng international community kung anong klaseng liderato ng tongress meron tayo na puros sunod-sunuran ang mga tongresista at lalung-lalo ng walang pakialam ang mga dishonorable RepresentatTHIEVES pagdating sa human rights.

Dahil dito ay kaawa awa ang trabaho ng Secretary of Tourism sapagkat bakit naman tayo dadayuhin ng mga turista sa ganoong kaliwa’t-kanan ang EJK, walang pakialam ang gobyerno sa human rights, ang tindi ng korapsyon sa Bureau of Customs at maraming mga ahensiya ng gobyerno, ang pagmumura at pang-iinsulto ng Pangulo at ngayon ay napatunayan na isang napakalaking sinungaling ang Presidente (at marami pang kababalaghan courtesy of Dudirty). Isipin na lang ninyo na kung kayo ay isang foreign investor o turista, kung saan maraming mga ibang alternatibong bansa (Vietnam, Thailand, Malaysia, etc) ang pupuwede ninyo bisitahin o pag-investan, eh bakit kayo pupunta sa Pilipinas???

####

Kaya Mabuhay at Long Live kaming Mga Dutertards as we welcome and enjoy the weakening of our economy and the peso. Welcome to harder times ahead. Kaya ang battle cry ko ay Duterte Pa More!!! Hi! Hi! Hi! NALPAS!