IDOL DOBBIE DE GUZMAN NG TV PATROL!!! SONA ni PENOY – BITIN NA BITIN !!!

IDOL DOBBIE DE GUZMAN NG TV PATROL!!!
SONA ni PENOY – BITIN NA BITIN !!!

Volume XVII NO. 42 (August 9-15)

IDOL DOBBIE DE GUZMAN NG TV PATROL– Saludo talaga ako sa ABS-CBN Baguio news head na si Mr. Dobbie de Guzman ng ABS-CBN TV Patlor este Patrol. Alam ninyo mga dear readers, itong si Mr. Dobbie de Guzman ay ang news head at news reporter na rin ng ABS-CBN Baguio kung saan mula Lunes hanggang Biyernes, siya at ang ilan niyang mga kasamahan ay nagrereport ng mga nangyayari sa lungsod ng Baguio. Katunayan niyan ay kailan lamang ay tumawag ako sa ABS-CBN Baguio sa dahilang nais kong magrequest ng ilan sa kanilang mga news reports partikular na sa mga news reports ni Idol Dobbie hinggil sa diumano ay mga paglalapastangan ng kalikasan ni tongressman este Congressman Aliping sa Mt. Cabuyao. Dismayado po ako sapagkat nu’ng tumawag ako sa ABS-CBN Baguio at nakausap ko ang isang babaeng ang pangalan ay Chery May Ladyonga, sinbi niya na hindi raw sila nagpapaunlak ng mga request for news footages.VAKIT NAMAN? WHY, WHAT’S WRONG? ANYTHING TO HIDE??? Dismayado talaga ako sa nalaman ko sapagkat iniidolo ko pa naman itong si Idol Dobbie, eh ngayon ay baka hindi ko na mapanuod ang kanyang mga excellent at makatotohanan reports hinggil sa Mt. Cabuyao –Aliping Tree Massacres. Anyway, dahil dito ay sumulat ako sa ABS –CBN Baguio Station Manager na si Mr. Bernie Aldana at sa ABS-CBN Manila News and Current Affairs head na si Ms. Ging Reyes na siyang Assistant Vice President for News & Current Affairs. Sayang naman kung tutuo nga na hindi ko na makita ang mga magagaling at factual na reporting ni Idol Dobbie. Ngunit umaasa ako na ako ay mapapagbigyan ng pamunuan ng ABS-CBN Main Office para sa ganoon ay kapulutan nating lahat ng magagandang aral ang mga truthful and factual reporting ni kagalang-galang na Idol Dobbie. Abangan natin ang kasagutan ng ABS-CBN Main hinggil sa ating request. Kaya sa ngayon ay inutusan ko na ang isang staff ng pahayagng ito na huwag kakalimutan na tuwing TV-Patrol Baguio ay irecord niya ang kabuuang episode lalong lalo na ang mga FANTASTIC reports nitong si Idol Dobbie, kung saan ang kanyang mga reports ay supposed to be are FACTUAL, TRUTHFUL, FAIR, and BALANCED sapagkat hindi naman siya katulad ko na isa lamang kolumnista o yung sinasabing opinion writer/columnist kung saan ang inyong mababasa sa aking kolum ay pawang aking mga opinyon lamang at hindi parating nanganagahulugan na ang aking sinusulat ay isang FACTUAL, TRUTHFUL, FAIR, and BALANCED. Tama ba idol Dobbie?!! Abangan sa mga susunod kong kolum ang ilan pang mga paghanga kong napansin at opinyon at (exclusive exposes) hinggil kay idol Dobbie!!!

######

SONA ni PENOY – BITIN NA BITIN !!!- Ano ba naman itong drama ni Pangulong PENOY, isang malaking drama na pang pamas award, may paluha-luha pa ni Kris Aquino the super drama queen. Ni wala siyang binanggit hinggil sa kanyang campaign promise na FOI Bill at kung anong plano niyang gawin hinggil sa DAP. Ang nakalulungkot at kahit na ano pang mga statistics ang kanilang ipalabas sa publiko ay malinaw pa rin sa masa at sa karamihan na ang salitang “Daang Matuwid” ay mananatiling isang FANCY SLOGAN – NO MORE NO LESS, JUST ONE FANCY MEANINGLESS AND USELESS SLOGAN. Malinaw pa rin ang mga pigura na tumaas ang un-employment sa kasalukuyang panahon kompara sa kaparehong panahon ng nakaraang taon. Malinaw pa rin ang mga pigura na nadagdagan ang poverty o ang mga mahihirap, eh bakit madadagdagan ang mahihirap kung nababawasan ng korpasyon? Ang mga taong nagsasabi na nababawasan ang korapsyon ay maaaring sila ay ILUSIYONADO, BULAG, O NAG-BUBULAG-BULAGAN, O MGA MALALAKING SINUNGALING SILA sapagkat sila ay kasalukuyang nakikinabang sa daang korap este daang matuwid. TAMA NA NGA ANG KA-IPOKRITOHAN AT MAGPAKATUTUO TAYO NG HINDI TAYO PINAGTATAWANAN SA BUONG MUNDO?!!!