IMBECILE daw si Speaker Alvarez!!!

Ano nga ba ang ibig sabihin o depinisyon ng imbecile? Ayon sa Merriam Webster Dictionary ay “fool”, “idiot” “a person affected with moderate mental retardation.” Ayon naman sa Cambridge English dictionary ay “a person who behaves in an extremely stupid way.” Ang dalawang depinisyon na ito ay sa aking palagay ay medjo tama bagama’t kulang pa rin kung ihahambing kay Speaker Pantalon este Pantaleon Alvarez sapagkat sa aking pagkakaalm ay masahol pa siya sa imbecile. Hi! Hi! Hi!

Isipin mo naman na isa rin na kapwa Dutertard (Atty. Anderson) na isang abogago este agogado ng BOC ang tumawag sa kanya ng ganito at isang kapwa Ateneo Law School ang babaeng abogada ang nagsabi na siya ay isang imbecile. Ito ay nag-ugat daw sa banta ni Alvarez na ipabubuwag niya ang Court of Appeals. Iba talag ang taong ito na laseng na laseng sa kapangyarihan.

Kaya nga kami sa Linis Gobyeno nuong Secretary ng DOTC yang si Alvarez nuong panahon ni GMA ay isa kami sa mga grupo na nag-sampa ng reklamo laban sa kanya at pinagaksayahan namin siya ng panahon at gastos sa pag-aatend namin sa Senado, sa Commission on Appointments (CA) upang tutulan ang kanyang confirmation as Secretary of the DOTC. Sa awa naman ng Diyos ay tinamaan rin siya at ang kanyang Bossing-GMA ng hiya at nag-resign na lang siya pagkalipas ng several attempts na ma-confirm, bagama’t alam na namin kung gaano na kalalim ang kanyang bulsa nuon pa lang. Hi! Hi! Hi!

Base lang sa malawakang research namin hinggil sa kanyang PIATCO-FRAPPORT NAIA-3 deal kung saan pagkatapos nuon ay itong si Speaker Imbecile na nakatira nuon sa Better Living Subdivision sa Paranaque nuong siya ay Assistant General Manager (AGM) ng NAIA ay lumipat siya pagkatapos sa Magallanes Village nung DOTC Secretary na siya at pagkatapos ay marami na siyang matitinding mga pinaggagawa. Ang marami dito ay iiwan ko na lang na Secret. Hi ! Hi! Hi!

Bagamat gusto ko yung kanyang sinabi na siya ay miyembro ng Manobo Tribe (alamin ko nga kung maka member din ako duon) nang maka pag asawa rin ako ng mahigit sa isa. Kaya pala siya nag-panukala ng very-very easy separation among spouses na sinasabi niya na marriage dissolution na sa aking alam ay hindi ito palulusutin sa kongreso ng mga asawa ng mga tongresista este kongresista. Hi! Hi! Hi!

Talaga naman itong si Speaker Imbecile, masyado ka na ha, mukhang dapat na mag esep-esep na ang mga ibang tongressmen kung dapat ka ng patalsikin at itapon ka na sa Court of Appeals. Hi! Hi! Hi!