>>Impitsmen kay CJ Sereno malinaw na panggigipit!!! >>Mahina talaga ang PDEA!!!

Impitsmen kay CJ Sereno malinaw na panggigipit– Ano ba namang klaseng pagkakalat ang isinasagawa nitong si Atorni “Pulpol” Godon kasama ng mga miyembro ng committee on injustice sa tongreso? Bakit hindi inayos ng husto at ginawang pulido ni Godon ang kanyang mga ebidensya at puros rin naman pala second hand at hearsay information ang siyang ginamit bilang supporting evidence. At ang mas nakakatawa ay ang mga miyembro ng committee on injustice na kung saan ay parang mga tanga na sinasakyan ang mga mabababaw na reklamo.

Ang dapat na isinagawa ni Atorni “pulpol” Godon ay isinampa ang reklamo sa hukuman at hindi bilang isang impitsmen komplen sapagkat base sa lumalabas ay hindi naman mga impeacheable offenses ang mga paratang kay CJ Sereno. Katulad halimbawa ng paratang hinggil sa SALN na pilit na binubutasan hinggil sa income ni CJ na matagal ng kanyang nakamit nuong siya ay isang private lawyer. O halimbawa sa paratang na mayroong na i-leak na info hinggil sa pakikialam daw ni CJ sa isang TRO na kung saan ang source daw ay isang fellow Associate Justice of the Supreme Court na si Justice de Castro na kung saan ay lumalabas na dineny agad ni Justice de Castro na siya ang source, aba eh malinaw na isang malaking kasinungalingan ang ginawa nitong si Atty “Pulpol” Godon. Hi! Hi! Hi! Ano bang kagagaguhan ang pinag-gagawa ninyo kayong mga tongressmen kayo?! Ano kaya at sampahan ko na ng reklamo sa Integrated Barfine este Bar of the Philippines (IBP) itong si Atty “Pulpol” Godon?!

TAMAAN NAMAN NA KAYO NG HIYA, KAYONG MGA MIYEMBRO NG COMMITTEE ON INJUSTICE, KAYA IBASURA NA ANG REKLAMO, NOW NA! MGA *(^&**%$2 *&65lJgs#1 KAYO !!!

####

Mahina talaga ang PDEA– Dapat lang talaga na palitan na ang PDEA bilang ahensya na nangunguna sa laban sa droga. Ano ba namang klaseng accomplishments ang ipinagmamalaki ng PDEA sa kanilang humigit-kumulang isang buwan ng operasyon, kung saan ay mayroon silang halos kalahating bilyon na droga na nasabat, mayroong ilang libo na nahuli at nakakulong o akusado at ang pinakamasaklap sa lahat at tunay na nagpapakitang sila ay isang mahina na ahensya ay isa lamang ang kanilang napatay!

Boket, boket, O MY GOD (Mahal na Panginoon) ibig ba nilang sabihin na isa lang ang nanlaban? NGEEEEKKKK!!! Ikaw kasing pinuno ng PDEA na si dating General Aaron Aquino, bakit hindi mo isinapuso ang mga salita ni General Chief PNP “Bobo-Epal” Bato nang kanyang sinabi na “kung ayaw lumaban ay palabanin”. O, ayan tuloy at isa lang ang inyong napatay. Bakit hindi mo kasi sinunod ang very wise words of our beloved President Dugong nang kanyang sinabi na nuong siya ay Piskal ay “tinataniman nila ng ebidensya ang mga akusado” at “patayin lahat ng mga adik at gastos pa na ikulong mga yan”. Hi! Hi! Hi!

MAHINANG KLASE TALAGA KAYO JAN SA PDEA.

PERO SALUDO AKO SA INYO AT BOW AKO SA INYO KAYA mula sa akin, I offer all the Honorable Ladies and Gentlemen of the PDEA ONE SNAPPY SALUTE! MABUHAY PO KAYONG LAHAT!!!