>>Kelangan ba talaga ang Martial Law??? >>Dutertenomics- very nice!!!

Kelangan ba talaga ang Martial Law? – Ang malaking katanungan o kung sabihin ay the million dollar question, kelangan ba talaga o justified kaya ang pagdeklara ng martial law ? Bagama’t ayaw natin na mag-kumpara ng mga sitwasyon base sa nakaraan (Zamboanga siege, Mamasapano atbp) sa kasalukuyan ay hindi natin maiwasang isipin at magtaka kung kailangan nga ba talaga ang isang deklarasyon ng martial law. Kayo mga dear readers, ano ang sa palagay ninyo, justified kaya ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao and who knows baka some day sa buong Pilipinas?

Kung sa akin ay ok lang naman ako sa deklarasyon ng martial law basta’t hindi magkakaroon ng mga bayolasyon at abuso ng human rights at iba pa na mga abuso ng militar at pulis. Kaya nga lang dahil tayo ay hindi naman pinanganak kahapon at nasa wastong gulang na tayo at katunayan ay malapit na rin akong maging senior citizen at mangamoy lupa, kaya alam natin na mahirap na maiwasan ang mga pang-aabuso ng mga military at pulis sa ilalim ng martial law.

Kaya ayun, patay tayong lahat pag nag kataon.

####

Dutertenomics- very nice – Ano ba itong pinag-uusapan ng marami na Dutertenomics na siyang mag papalakas daw muli ng ekonomiya ng bansa na magiging naka ankla sa malawakang pagsasagaawa ng imprastraktura sa halaga ng trillanes este trillion-trillliones?

Lumalabas na hati ang opinyon ng marami sa aspeto na ito. Mismong si Joma Sison na buddy-buddy ni Pangulong Digong ay mayroong pabala hinggil dito at ayon sa kanya ay kung manggagaling ang financing sa China ay posibleng ma-hostage at mabaon na ang mga susunod na henerasyon sa China. Hi ! Hi! Hi ! Hindi pa pinanganganak ay pagmamay-ari na ng China.

Kayo mga dear readers ano ang sa palagay ninyo, tama ba na magkautang tayo ng trillions sa China? Dahil sa ito ay isang malalim na usapin ng economics, global socio-politics (ano yun???), ay wala akong kompitensya o competency para mag-komento hinggil sa mga bagay-bagay na ito. Alam naman ninyo na grade 1 lang inabot ng inyong lingkod may back subject pa! Hi! Hi! Hi!