Magkasangga Tayo – GM Licoben is the Man!!! | Blind Item (Part 3)

Blind Item (Part 3)- Mukhang maraming natutuwa sa aking mga blind items at madami dami daw ang kumontak ang nagtatanong kung sinu-sino ang aking mga tinutukoy. Nuong 1st part ng aking blind items ay aking inihayag itong si bilyonaryong makasariling magaling mag underground ng kanyang running mate  na kandidato na master showman, isang tunay na ubod ang galing na beteranong-batikan na long time public official na talaga namang kapag nakinig ka sa kanyang mga spits este speech ay talagang mapapabilib ka. Kasama niya sa kuwento ay ang isang ubod ang tulisan na bata pa na isa ring obogago na naka-tsamba at naka lusot sa  isang mataas na posisyon at ayun biglang masyadong lumaki ang ulo at naging instant logger o killer ng pine trees sa isang malinaw na public land (land grabber din ang tarantadong ito).

Sa 2nd part ng aking blind item ay aking sinalaysay ang isang opisyal na idinaan sa magbibigay ng bigay sa mga bara-barangay, ngunit itong si kolokoy na ito ay isang certified sugarol at user ng bioshabs . Hi! Hi! Hi! Kasama sa 2nd part ng ating blind item ay itong si magaling na abogago na certified gambler kung saan isa pala itong mastermind sa pagbebenta ng pine wood sa siyudad ng  Baguio at yung pumapalibot na kwento nung nahuli ang kanyang dalawang elf ay isang napakagandang kuwento. 

####

Sa ngayon na part 3 na  tayo ay i-blind item natin si Boy Tulis. Ang ibig kong sabihin sa Tulis ay hindi Tulis sa kwalta kung hindi Tulis sa chicks (lahat naman sila ay matutulis pagdating sa kwalta). Itong si Boy Tulis ay naka ilang beses na rin na sumubok na tumakbo para sa matataas na posisyon ngunit sa kamalasang palad ay bitin ang kanyang nakukuhang boto dala daw kasi ng kanyang mahangin na istayl at ng kanyang  asawang masydong magaling na nakikialam sa patakbo ng kampanya. Hinggil naman sa Tulis nitong si Boy Tulis ay ilang beses nitong namamataan ng aming mga impormante na nakikipag-meet sa kanyang mga kulasisi (mga ka one night stand daw) sa may Petron BGH at kunwari ay mayroon lang inaantay, yun pala ay meeting place nila ng kanyang chika babae at diretso na sila sa telmo (motel) na sila ng kanyang ka short time. Kung sabagay ay magandang lalaki naman itgong si Boy Tulis na ito at yun naman kanyang esmi (misis) ay aktibo sa kanyang sariling career. Kumusta na kaya ang isang dating kagawad na naging kapitana na naging ka relasyon nitong si Boy Tulis?  TATAKBO PA KAYA ULI  ITONG SI BOY TULIS SA DARATING NA HALALAN? Makontak nga siya sa A _ _ _ _ d??? 

####

GM Licoben is the man – Mukhang lumilinaw na after weeks or is it months of on-going controversies sa mainit na posisyon para GM ng BENECO. Basahin ang headline story ng pahayagang ito kung saan mukhang malinaw naman na ang kapangyarihan sa pagtatalaga ng GM ay nasa poder ng BOD or Board of Directors. Paano na kaya yung apat na magagaling na  Board Members (hindi ko na babanggitin ang kanilang mga pangalan at kilala niyo na sila)  na pumanig kay Atty. Rafael??? Kayo kasi, ang bilis bilis  ninyong nasilaw sa mga *&)(+**+8&%$$#@1 . HI! HI! HI!  Ito naman kasing si Madam Atty. Rafael kung bakit napakaganda na ng kanyang mga hawak na national positions ay nag nais pa na umeksena sa BENECO. Kung sabagay ay pang long term nga naman ang posisyon ng GM ng BENECO samantalang ang  posisyon ng ASEC or even USEC is co-terminus with the appointing power. Bakit ba, duda  ba kayo na ang susunod na mamumuno ng ating bansa ay ang  BBM-Duterte tandem? Huwag po kayo magtaka sa aking comment sapagkat sa mga nakakakilala sa akin ay alam naman nila na isa akong Macoy (Marcos) Loyalist. NALPAS!!!