Mark Go / Joemol etc…, PARANG WALANG MGA MODO !!! Makati City Hall 2 – Php 2.7 Billion daw?!?!

Mark Go / Joemol etc…, PARANG WALANG MGA MODO !!!
Makati City Hall 2 – Php 2.7 Billion daw?!?!

Volume XVII No. 44 (August 23, 2014)

Joke time  muna , mga dear readers.*** Bansang walang pangit? UGANDA***Bansang hindi sikat? LAOS***Bansang may kapansanan? CUBA***Bansang madulas? GREECE***Bansang hindi sayo? KENYA***Bansang nakagapos? ITALY***Bansang maraming bacteria? GERMANY***Bansang nagmamadali? RUSSIA

####

Mark Go / Joemol etc…, PARANG WALANG MGA MODO !!!- Ano ba naman itong mga LP Members na sina Tongsehal este Konsehal Faustino Olowan,  Vice Mayor Edison Bilog , Mr. Mark Go, dating LP Member- Atty. Joemol at mga ibang LP Officials na anduon sa LP meeting na naganap sa Prince Plaza Hotel nuong August 4, 2014 , bakit naman ninyo pinayagan mangyari kung saan ang inyong mga supporters ay naging BASTOS  kay LP Baguio City Chairman and Baguio City Congressman Nicasio Aliping ? Kapag  panuorin ang video nung naganap na meeting, lumalabas na kayong  mga liderato ang dapat sana ay nag kontrol at nagsabi sa inyong mga supporters na huminahon at huwag umastang BASTOS na para bang  mga walang pinag-aralan o walang modo. Bilib pa naman sana  ako sa inyo Mr. Mark Go at Atty. Joemol, katunayan ay inbinoto ko pa kayo nung nakaraang eleksyon, ngunit sa inyong ipinakita   lumalabas na ipinagtulungan ninyo si Apo Congressman, aba eh, dismayadong-dismayado ako sa inyong ipinakita, at kung sakaling tatakbo pa kayo muli ay mag-iisip muna ako ng husto kung iboboto ko pa kayo uli. Para naman duon sa mga BOBONG Facebook Commentators na hindi naintindihan ang punot-dulo ng naganap na mahigit kumulang na isang oras at kalahati (1 & ½ hours) na meeting at kanilang kinukutya si Congressman na kesyo siya ay ganito o ganoon dala ng kanyang pag walk-out. Mabuti nga at nag-walk out ng maayos si Apo Tongressman este Congressman at magalang naman na umalis ng maayos at ni wala ng sinabi pa na hindi kanais-nais.  Kung kayo kaya ang kinilalang Chairman ng LP sa isang lugar at presiding officer sa isang pulong at  meron nag motion for adjournment at seconded at ina-prove mo naman bilang Chairman  at pagkatapos ay ipagpipilitan ng isang grupo ang kanilang gusto hingil sa isang bagay na wala rin naman pupuntahan at agarang solusyon  o kalutasan, hindi kaya kayo mag walkout  rin ? Sapagkat yun ang tama na dapat gawin ay umalis sa isang pag-pupulong na kung saan ang ninanais ng isang grupo ay sila ang masunod . Kung para sa akin ay mag wa-walk-out rin ako. May prosesong sinusunod ang pag nomina ng isang konsehal eh ipinipilit nila na maka-upo na ang kanilang  manok na si Mark Go at ATAT NA ATAT na sila ng hindi pa maka-upo kaya  ayun tuloy nakalimutan tuloy nila ang kanilang MODO o PINAG-ARALAN?!? Kaya ang ma papayo ko lang sa inyong mga maiingay at makukulit ay kung wait ang see pa kung ma kakaupo ang inyong manok ay relak and take it easy, saka  problema na ninyo yan at huwag nyo sana daanin sa paramihan at sa pangu-ngutya! OKS BA MGA KAPATID AT KAIBIGAN!!! Pakatatandaan ninyo na ang sistema ng Pol-Politika sa Pilipinas  ay sadyang ganyan. Remember the saying that “If you can’t stand the heat at the kitchen, get out of the kitchen”  and op kors ang FIKON este PIKON  ay TALO!!! Hi ! Hi ! Hi !

Makati City Hall Building 2 ng mga BINAY Php 2.2 Billion-MAMATI KA!!!-Ano ba naman yan Honorabol Vice President Jejomar Binay  at Honorabol  Mayor Jun-Jun Binay? ANO NAMAN NAPAKALAKING KATARANTADUHAN YAN VP & MAYOR ?????????????? Alam ninyo mga dear readers, pinapanuod ko sa ANC News Channel at saka nakikinig ako sa DZMM at tunay na nakakatawa ang mga PASULOT este PALUSOT ni Mayor Binay. Saan ka naman nanakita ng ganoon klaseng building na ang halaga ay lumalabas na Php 87,000 per square meter samantalang limang palapag o five floors ay parking area pa. Samantalang ang mga naturingan na Grade A na mga building  sa Makati ay na sa halaga lamang na mga P 28,000 per square meter lamang at ito ay na-aayon na sa mga expert. Hi ! Hi! Hi! PATAY kayong mga Binay ngayon NABUTAS KAYO NG MATINDI. Sa ngayon mga dear readers ano sa mga susunod na scenario ang sa palagay ninyo ang mangyayari? *** SCENARIO 1- Para wala ng kulong-kulong  Mayor Jun at VP Jejomar dapat VP Binay wag ka ng tatakbo para Presidente. *** SCENARIO 2- Para wala ng kulong-kulong  Mayor Jun at VP Jejomar dapat VP Jejomar  wag ka ng tatakbo para Presidente at takbo ka na lang uli as VP at ikaw naman Mayor Jun huwag ka na rin tatakbo as Mayor ng mataki este Makati .**** SCENARIO 3- Ipagpilitan ninyo kayong mga Binay (Mayor Jun at VP Jejomar) na tumakbo at sa loob ng detention cell kayo ma-nga-ngampanya. Aba, maaring magandang scenario ito, alam naman natin na ang mga  Pilipino ay puros intelligent voters  at nakita naman natin na si dating President Epal este  Erap na isang X-Con ay ibinoto uli at mismong si Senador Trillionaire este Trillanes ay kumampanya sa loob ng kulungan at nanalo PA! Palagay ninyo mga Binay Boys, mukhang magandang scenario itong Scenario na ito ano??? Pano kaya mga dear readers,  magkikita-kits na lang kaya sina TANDA, POGI, SEXY AT NEGRO sa kanikanilang mga detention cells ??? Sa ngayon tayong mga madla ay walang magagawa kung hindi mag enjoy manood at mag aantay nang sari-saring mga  scenariong  kasalukuyan iniluluto ng mga nag dyo-dyos-dyosan sa ating lipunan. Hi! Hi! Hi! *** MABUHAY ANG PILIPINO