>Martial Law!!! >Bakla ang US Ambassador!!!

Martial Law – Ayon sa ating saligang batas, ang sumusunod ang siya lamang basehan para mag-deklara ng Martial Law: Aayon sa Section 18, Article VII of the 1987 Constitution, ang sabi ay : “The President is the Commander-in-Chief of all the armed forces of the Philippines…IN CASE OF INVASION OR REBELLION, WHEN THE PUBLIC SAFETY REQUIRES IT, HE MAY FOR A PERIOD NOT EXCEEDING SIXTY DAYS, SUSPEND THE PRIVILEGE OF THE WRIT OF HABEAS CORPUS OR PLACE THE PHILIPPINES OR ANY PART THEREOF UNDER MARTIAL LAW. Samakatwid, sa dalawang sitwasyon lamang oobra ang pag-dedeklara ng martial law, at yuon ang:

1. There is invasion [by another country] and the public safety requires the declaration of martial law; and

2. There is rebellio, and public safety requires the declaration of martial law.
Samakatwid, kahit na sabihin pa natin na may isang invasion or rebellion kung saan ang public safety ay hindi naman damay o apektado ay hindi rin puwedeng mag-deklara ng martial law. ANG TANONG KO NGAYON AY GANITO, ANG PAGSASALITA BA NI CHIEF JUSTICE SERENO NA ISANG PINUNO OF A CO-EQUAL BRANCH OF GOVERNMENT AY MAKAKA APEKTO SA PUBLIC SAFETY???

####

Bakla ang US Ambassador – Talaga naman oo, kung maari ko lang bawiin ang boto ko kay Pres. Du30, marahil ay akin itong gagawin o di kaya ay papunta na ako sa ganoon. Mayroon na akong matinding agam-agam at pagsisisi sa pag-bigay ko ng boto ko sa kanya. Ayon nga sa kasabihan, sa huli ang pagsisisi. Ano ba naman klaseng mga komento itong pinapakawalan ng ating mahal na Pangulo na katulad halimbawa ng “bakla” ang ambassador ng Estados Unidos . Una sa lahat ay ibig ba niyang sabihin na mahina o may masama sa pagiging bakla? Dito pa lamang ay isang uri na ng pang-iinsulto sa mga bakla at LGBT, at pag-diskrimina (discrimination) ang kanyang ipinapakita.

Pangalawa ay hindi lamang yung komento na bakla ang US Ambassador. Ang nakalulungkot kung hindi mas nakalulungkot ay ang kasunod na komento niya na “bastusin natin uli ang mga opisyal na Amerikano para mag-bigay uli sila sa atin ng pera.” Ito ay isang komento ni Pres. Du30 patungkol sa pagdalaw ni State Secretary Kerry kung saan nag-iwan ng 33 Million dollars na aide para sa Pilipinas si Kerry, at ayon kay Pres Du30 ay okay si Kerry at nag-iwan pa ng pera pero si Ambassador Goldberg na bakla at inis siya duon.

Kung inyong matatandaan, noong campaign period, ang iba’t ibang mga ambassador ay nag-react hinggil sa sobrang kawalang kwentang komento ni Pres Du30 hinggil sa isang foreign missionary na na-rape at napatay sa isang hostage taking situation sa penitentiary sa Davao kung saan nag-komento si Du30 na “ang ganda ng babae parang Hollywood na artista, dapat daw sana ay mayor ang nauna” – nauna sa pag rape. Alanghiya naman talaga oo, ano bang klaseng tao itong si Pres Du30? Anong klase naman mga biro ito? Wala bang ina at kapatid na babae itong si Du30? Eh kung sila kaya ang mapatay at ma –rape, makapag biro kaya siya ng ganun???

Ngayon, siya ang pinagmulan ng biro eh, bakit siya mapipikon naman kung mayn mga matitinong mga tao na katulad ni Ambassador Goldberg na siyang mag-react? Para lamang nag-react ang ilang ambassador sa isang komentong tunay na napaka-sama ay kanya ng tinawag na bakla at asar siya. Hi! Hi! Hi!

Ibang klase itong Pangulo na ito, mukhang ang gusto lang nito ay maging isang diktador at ang lahat ng mga Pilipino ay huwag na huwag na kokontra sa kanya at panay bow ng bow lamang at yes ng yes lamang tayong mga tao—taohan niya.

Mukhang mayroon katotohanan nga ang komento ni Joma Sison kamakailan lang nung sinabi ni Sison na si Duterte ay isang BUTANGERO. Mukha ngang may basehan at katutuhanan ang komento ni Sison na ito. Lumalabas na mukhang isa ngang BUTANGERO itong si Pres Du30. Siyanga pala mayroon din akong isang nakausap kailan lamang at sabi niya na, mukhang may “katok,” alam niyo naman po siguro ang ibig sabihin ng salitang katok, also means may sayad sa ulo itong si Pres Du30 at ganito nga ang sitawasyon. Aba, PATAY TAYONG LAHAT!!!