Mocha Uson for Senator

Bakit ano ba ang problema kung tumakbo at manalo bilang Senador si Mocha Uson? Kung si Money Pakyaw naging Senador, si Tito “na ano lang” Sotto at si Nancy “Alkitran” Binay ay Senador, so ano ang problema kung si Mocha Uson ang maging Senador?

Nakalimutan na ba ninyo na si Jenggoy “akusado” Estrada ay Senador rin at si Bong “drama boy” Revilla ay isa ring Senador? Kaya sigurado ko na kayang kaya ni Mocha Uson na maging isang senatong este Senador; bagama’t sa aking palagay ay mas nababagay si Mocha bilang isang Cabinet Secretary at maari sigurong bumuo ng isang bagong ahensya na katulad ng Sex Skills Training Department (SSTD) na siyang magbubukas ng mga STC’s o Sex Training Centers sa bawat Barangay at palalakasin ang adhikain ng gobyerno laban sa STDs at pagkapabor ng simbahang Katolika sa pagkontra sa family planning. Siyempre ay pupuwedeng isa ilalim sa TESDA o baka pwedeng maging isang ahensya sa ilalim ng local government katulad ng Department of Chuk-Chukan (DCC). Hi! Hi! Hi!

Kung bakit kasi minamaliit at ina-underestimate nila si Mocha samantalang ang laki-laki nga ng kanyang boobs este utak at siya pa nga ay nakatapos ng kolehiyo at may degree na medical technologist o medtech, at alam naman natin na siya diumano daw ay isang Sexpert at marami siyang maituturo sa mga kababaihan at kalalakihan. Kaya dapat ay i-welcome natin ang lahat ng ating kababayan at kapwa Pinoy na naghahangad na manilbihan at maglingkod sa bansa bilang isang public servant. Aba eh kung tutuusin ay isang napakalaking personal na sakripisyo at hirap ang maging isang senador ng Republika ng Pilipinas, at kailangan talaga ng ating republika ang mga katulad ni Mocha na may maraming maibibigay na pagmamahal sa kanyang kapwa. Ito ay kanya naman nang naipakita ng husto at lantaran pa niyang naipakita sa lahat lalung-lalo na sa mga kalalakihan na katulad ko na tuwang-tuwa tuwing ipinapakita ni Mocha ang kanynag pagmamahal at concern sa katulad naming nga lalake. Hi !Hi! Hi!

Sigurado ko na kapag Senador na si Mocha Uson, siya ang matuturingan na the sexiest Senator. Bakit mayroon bang ganyang senador sa mga ibang bansa? Kaya sa ngayon pa lang ay iniisip ko na ang magbuo ng MFSM o Mocha For Senator Movement at ire-request ko sa butihing kandidato na lahat ng kanyang mga leader katulad ko ay kanyang mabigyan ng one-on-one special skills training. Hi! Hi! Hi!
NALPAS.