Narco List-True or False?!?!

Paano na ang kalagayan ng mga opisyal na natanggalan ng control sa kanilang mga pulis? Sa aking palagay ay hindi yung pagtanggal nila sa poder o kapangyarihan ang pinakamasakit. Ang mas masakit ay ang kasiraan ng kanilang reputasyon kung saan nakatanim na sa isipan ng kanilang constituents na sila ay sangkot bilang mga protektor ng drug trade. Isang napakapangit at matindi (petmalu) na akusasyon, isang kahiya-hiyang akusasyon na ikasisira ng buong angkan ng mga opisyal na nasangkot at hindi lamang ang pangalan ng opisyal ang nasisira kung hindi ang buong pamilya at posibleng ang buong angkan pa.

Ang tanong ngayon ay papaano ba ang nagiging proseso ng vetting o evaluation para malagay sa listahan ng mga narco ptotector? Anu-sino bang mga ahensya ang na-involve sa proseso na ito?

Ayan kasi, marami sa mga opisyal o baka lahat ng mga nasabing opisyal na ito ay ubod ang titindi sumepsep b _ _ o sa kasalukuyang Pangulo ang this is what they get. Kaya kayong mga sepsep b _ _ o kay Pangulong Digs, mag-sepsep pa more. Hi! Hi! Hi!

Kung aking i-analyze ay aantayin ko ang gagawing reaksyon ng mga opisyal na nabanggit. Kapag halimbawa ay tahimik lamang ang opisyal at hindi aangal at kung hindi rin magsasampa ng kahit na reklamo ng libel man lang against the President and the concerned agencies aba eh, maari nga na mayroong katotohanan ang nasabing paratang.

Para sa akin ang dapat na agarang gawin ng isang inosenteng opisyal (kalimutan na muna ang pag sepsep b _ _ o kay P Digs etc…,) ay ang mga sumusunod:

1. Magpatawag ng press con at ipaliwanag at hamunin nila ang mga kinaukulang ahensiya na mag labas ng pruweba at ebidensiya hinggil sa kanilang akusasyon.

2. Pumirma na sila ng waiver at hilingin na ma-lifestyle check sila sa lalong madaling panahon.

3. Sampahan na nila ang lahat ng opisyales kasama na rin ang Pangulo ng reklamo ng Libel and Defamation, OK lang sa ngayon ang immunity from suit ng Pangulo at maaalis din yan pagkatapos ng kanyang termino.

Kung hindi ko makita ang tatlong hakbangin na ito mula sa mga nabanggit na drug protectors ay maniniwala ako na posibleng sangkot nga sila as drug trade protectors, etc.

NALPAS!