Sino ba talaga LP Chairman sa Baguio ???

Sino ba talaga LP Chairman sa Baguio ???

Volume XVII NO. 43 (August 16-22, 2014)

Sino ba talaga LP Chairman sa Baguio ??? – Ano ba naman kasi itong ibang mga magagaling na miyembro ng partido Liberal, lalong lalo na itong sina Konsehal Faustino Olowan, Konsehal Popo Cosalan at dating Konsehal and now VM Edison Bilog and of course the STAR of the show, the ONE, the ONLY X- LP Baguio Chairman Mr. Mark Go na siyang nagpupumilit at mukhang atat na atat ng maka upo bilang tongsehal este konsehal ng Baguio. Hi! Hi! Hi!, ikaw talaga Apo Mark Go sa aking pagkakaalam ay dalawang beses na kayo natalo sa inyong pagtakbo sa larangan ng polpolitka. Una ninyong pagkatalo ay nung tumakbo kayo laban kay Mayor Domogs at ang pangalawang pagkatalo ninyo ay versus Cong. Aliping. Malay natin sa inyong pagtakbo nitong 2016 ay kayo naman ang magwawagi, ang tanong ko nga lang ngayon ay for what position kayo tatakbo? For Mayor ba , for Congressman kaya, for Councilor kaya or for Punong Barangay ??? Inyong mababasa sa headline story ng pahayagang ito ang karagdagang impormasyon sa isyu na ito, ngunit sa aking pagbabasa ng liham ni Apo Cong. Aliping sa national leadership ng LP at sa minutes of the meeting na naganap nitong nakaraang LP meeting nung August 10, 2014, sa aking pagkakaintindi ay ATAT NA ATAT ng maka upo bilang tongsehal este konsehal itong si Apo Mark Go. Siyanga pala , Mr. Go, sa darating na halalan marahil ay hindi na kayo tatakbo sa ilalim ng partido Liberal, sapagkat kung tatakbo uli kayo bilang tongressman este congressman ay si Apo Aliping ang siyang tatakbo bilang Congressman, unless tatakbo si Apo Aliping for another position, o di kaya tatakbo kayo para ibang posisyon? Ayoko naman sanang bigyan ng hindi magandang kahulugan ang PAG MAMADALING pag-aapoint kay Mr. Go nina VM Bilog and supported by Councilors Cosalan and Olowan, ngunit sa aking humble ipinion, dapat sana ay hindi binalewala si Apo Cong. Aliping na siyang LP Chairman, bakit si VM Bilog ba ang LP Chairman, eh hindi naman ! Kung sana lang ay nagbigay ng sinasabing DUE RESPECT ang mga kinaukulan local officials na sina Coun. Olowan, Coun. Cosalan and Vice Mayor Bilog at ikinoordinate ninyo kay Apo Aliping and together with the other members of the LP ang appointment ni Mr. Go eh di wala sanang problema, sapagkat hindi lang naman si Mr. Go ang nagnanais o ang kuwalipikado para sa posisyon, eh si Mother Lily nga interesado rin sa posisyon! Opinyon ko lang naman ito mga dear readers base sa aking pag unawa ng mga pangyayari! Kaya ayan tuloy, OK po ba Mr. Go, Ok GO lets GO to the NP, what is NP, the Natural Party !!! Hi! Hi! Hi! Kaya mga dear readers, 2014 pa lang at mahigit isat kalahating taon pa bago ang susunod na halalan ngunit maraming malilikot ang isip ang nag tatanong kung what is it really gonna be , is it going to be ALIDOM or ALIMOL or ALIGO ? Hi! Hi! Hi! And op cors-op cors, huwag natin kalilimutan si Apo Bernie Vergara, the One and Only Kagalang-Galang X-Congressman Bernardo M. Vergara, baka maging –VERDOM, or VERMOL or VERGO. Hi ! Hi ! Hi !