>Speaker Alvarez dinuduro ang Korte Suprema! >Wigman Aguirre sablay nanaman!

Speaker Alvarez dinuduro ang Korte Suprema – Bakit kaya ganito itong si brusko at barumbado na Speaker of the House na si Panty este Pantalon Alvarez? Ano bang klaseng istilo itong babrasuhin at tatakutin nya ang Korte Suprema? Tama ba ang ganyang istayl na tatakutin niya ang korte suprema na susuwayin niya ang order ng korte kung sakali na makita ng korte na may merito ang isinampa na petisyon ng napakaraming abogago este abogado kung saan kanilang kinukuwestiyon ang proseso ng pagdeklara ng martial law? Wow naman Mr. Speaker, baguhin mo ang style mo at huwag mong gayahin ang amo mo at hindi mo naman kaya. Tandaan mo na iisa lang ang PRRD na siya mismo ang nagsabi na sa limang sinasabi niya ay tatlo ang jok o nonsense lamang. Eh ikaw Speaker Panty, ano ka trying hard na bully?! PWEEEEE………

####

Wigman Aguirre sablay nanaman– Ano ba naman itong si Wigman Aguirre na ito, sino ba talaga ang mga nakapaligid sa kanya na nagbibigay ng info o intelligence sa kanya na kinukuha lamang sa mga fake news sites na madalas ay kilala naman natin kung sinu-sino ang may kakayahan na magsagawa at madalas ginagawa nila ay fake news. Anong klaseng DOG este DOJ Secretary ang tao na ito na siyang humahawak sa mga malalaki na demanda kung sa isang napaka-simpleng verification ng isang info ay hindi pa niya maisagawa ng tama at agaran niyang ibubulgar ang info sa mga medyas este media na nag interview sa kanya. Hay! Yay! Yay! Kawawang Senators Bum este Bam Aquino, Antonio Trillanes, Tongressman este Congressman Gary Alejano, etc. Pinaghinalaan ng walang ka base-basehan. Yaan ang ating DOG este DOJ Secretary Wigman Aguirre. Dapat ay magsama sina Mocha, Martin at Wigman at walang makakatalo sa kanila as the MASTERS OF SPIN. Hi Hi Hi.