Tama si Alvarez, sino ba walang GF!?!

Ano ba namang drama itong nagaganap sa pagitan ng mga liderato sa tongreso este kongreso na sina Speaker of the House Pantalon este Pantaleon “Bebot” Alvarez at si Congressman Floirendo na parehong kakampi ng Pangulong Digong?

Ang nakakatawa nito ay ang nagpalala ng gulo na ito, bagama’t ispekulasyon lamang, ay ang awayan ng kanilang mga kerida o mistresses. Hay, yay, yay mga ibang kerida nga daig pa ang orig sa pagka taray. Kung tutuo man ito ay isang tunay na katawa-tawang sitwasyon ito na dapat ay huwag payagan ng mga matsong tongresista este kongresista.
Eto ngayon, ang mas nakakatawa na magiging ugat ng malaking pagkasira ni Speaker Pantalon ay ang kanyang pag-kokomentaryo na sino ba sa kanilang mga politiko ang walang girlfriend; at kasama na rin nito ay ang kanyang pag-amin na marami siyang mga anak sa labas. Base sa aking nakikita ay dapat na ma-disbar itong si Speaker Pantalon dala ng kanyang pag-amin na mayroon siyang kerida at mga anak sa labas sapagkat ito ay malinaw na bawal sa Lawyer’s Code of Ethics at mahigpit na tinututulan ng ipokritong Korte Suprema kung saan ay marami ng mga abogago este abogado ang na-disbar dala ng sinasabing offense on moral turpitude. Ang depinisyon ng moral turpitude ay – Moral Turpitude. A phrase used in Criminal Law to describe conduct that is considered contrary to community standards of justice, honesty, or good morals. Crimes involving moral turpitude have an inherent quality of baseness, vileness, or depravity with respect to a person’s duty to another or to society in general.

Hinggil naman sa komento ni Speaker Pantalon na sino ba ang walang girlfriend, sigurado ako na maraming mga polpolitiko ang aalma hinggil dito at walang aamin ika nga. Patay sila sa kanilang mga misis kung sila ay aamin. Ngayon patay ka Speaker sa Gabriela kung saan ang dating ng iyong komento ay masyado mong ginagawang parang material na bagay ang mga kababaihan, wala daw respect for women’s rights ang iyong komento at sexist comment daw coming from the 4th most powerful person in the land. At saka mayroon pa na isang kongresista na sigurado ko na hindi aamin na mayroon siyang girlfriend at siguradong magagalit sa iyong komentao na “sino ba walang girlfriend” sapagkat ang kongresista na ito at certified na walang girlfriend at ito ay walang iba kung hindi si Party List Congressman Harry Roque sapagkat siya ay isang certified labaksky kaya wala siyang girlfriend at ang meron siya marahil ay boyfriend. Hi! Hi! Hi!.

Kaya ikaw Speaker Pantalon, alalay ka sa iyong mga binibitawan na salita. Palibhasa ginagaya mo ang amo mong si Pangulong Digong na kahit ano pa ang sabihin ay tinatanggap naming at Bow ng Bow at Amen lang kaming mga Dutertards. Hi! Hi! Hi! Hanggang sa susunod kong kolum, Mabuhay Po Tayong Mga Dutertards!!!