CHR dapat na palakasin- Alam naman natin na lumalaganap ang krimen, alam natin na maraming mga inosenteng tao ang nabibiktimahan ng mga masasamang elemento at mga kriminal sa lipunan. Bagama’t hindi ito dahilan para balewalahin at ibasura ang karapatang pantao o human rights.
Tayo ay nasa ilalim ng isang demokrasya at sa isang demokrasya at the rule of law ang umiiral at ang sinasabing due process, and you are innocent until proven guilty. Kung hindi natin susundin ang mga ito at agad nating isasantabi ang human rights ng isang tao, paano na lang? Ang nakakatakot dito ay ang sitwasyon kung ang isang inosenteng tao ang mapagbintangan lamang o nadawit lamang ang kanyang pangalan ay agad natin siyang husgahan at hahatulan na siya ay guilty, samantalang isang inosenteng tao siya at sa dahilang hindi natin iginalang ang kanyang human rights ay ginawan natin ng masama ang isang inosenteng tao. Sa bandang huli ay wala rin tayong pinagkaiba sa mga kriminal na gumagawa ng masama sa lipunan.
Hindi man natin gustuhin ang matagal na proseso ng due process ay ito ang isang prosesong subuk na sa mga malalakas at matitibay na mga demokrasya.
Sa dahilang ito ay sang-ayon ako sa mga panawagan ng mga ibang tanyag na indibidwal na palakasin dapat ang opisina ng CHR o ang Commission on Human Rights. Mismong ang simbahang Katolika ang nananawagan sa mga katoliko na igalang ang human rights ng bawat tao.
Sa totoo lang ay nakakatakot ang mga pinapakitang pagkondena ni incoming Pres Dudirty pagdating sa human rights violation. Hindi natin maaalis na maraming mga alagad ng butas este batas ang siyang sosobra ang lakas ng loob at posibleng balewalahin nila ang karapatang pantao.
Sa aking panananaw, kung tunay na nais natin namabawasan ang krimen ay dapat na palakasin ang pillars of the justice system ng walang palakasan, mula sa law enforcement and apprehension to the prosecution up to the judiciary at sa penal system o mga kulungan.
Isang matinding halimbawa ng violation of human rights ay ang isinasagawang pag-paparada ng mga SUSPECTED drug pushers sa Batangas, kung saan malinaw na mga SUSPECTS pa lang naman sila, at puros mga small time lang naman sila at walang big time na tao, bakit???
Ang pinakamahalaga ay pantay-pantay ang dapat na pagpapatupad ng batas, walang palakasan. Sa aking palagay ay hindi pa panahon para sa Pinoy na tunay na susunduin ang sistemang walang palakasan sapagkat nasa kultura na natin ang palakasan system na nag-ugat sa isang mas malalim na dahilan.
####
Drug pushers-tumbahan na- Ayon sa maraming usap –usapin, ang karamihan daw sa kasalukuyang mga itinutumba ay mismong mga bataan ng mga law enforcers (PNP etc…) na kanilang inililigpit at baka kumanta pa ang mga nasabing pushers o tulak ng droga at itimbog pa nila ang kanilang mga amo na mga opisyales ng PNP etc. Tutuo kaya ang ganitong mga usap-usapin o isa lamang haka-haka na walang basehan? Sa totoo lang ay madali namang malaman ang mga ito kung gagawin lamang ng TAMA ng SOCO at Crime Lab ang kanilang trabaho, sapagkat hindi magsisinugaling ang siyensya (science) of criminology kung saan makikita sa paligid, sa bangkay ng mga biktima, sa mga testigo at iba pa kung paano nangyari ang isang encounter, kung ito nga ba ay tunay na encounter o encounter –me kunwari.
Sa puntong ito mga dear readers ay nais ko lamang kayong iwanan ng isang katanungan kung ano nga kaya ang tunay na kuwento sa likod ng mga napakaraming mga napapatay na diumano ay mga drug pushers daw. Mga pushers lang ba sila ng kanilang grupo o sindikato o sila ay inililigpit ng kanilang mga PNP na mga amo???
Hanggang sa susunod kong kolum. Sana ay nasa maayos na kalagayan po tayong lahat at pati na rin ang ating mga mahal sa buhay.
Mabuhay ang Pilipinas!!!