• Good start for DU30 • Robredo ang tinik ni DU30

Good start for DU30- Marahil ay ang karamihan sa atin ay napanood ang inauguration ni Pres Du30. Base sa aking napanood ay mukhang maganda, maayos at off to a good start ang administrasyon ni Du30. Base na rin sa kanyang mga ipinag-utos sa kanyang mga cabinet secretaries ay mukhang very promising ika nga ang patutunguan ng kanyang administrasyon kung saan ang benepisharyo rin naman ay ang buong sambayanang Pilipino; bagama’t, sa tutuo lamang ay hindi ko lubos namaisip kung papaano mapapatigil ang korapsyon sa gobyerno??? Sa aking pagka-kaalam ang korapsyon ay isang bagay na kung sabihin ay part of our DNA already at kasama na sa ating pang araw-araw na kalakaran, kultura, pag-nanais at mismong ang sistema sa gobyerno ay napakaraming oportunidad para sa korapsyon. Naniniwala ako na mapapatigil ang korapsyon sa mga malalalaki na kontrata mismo ngunit sa pangkalahatan na kalakaran ay ganoon pa rin ang magiging siste. Mababawsan siguro, kung anong porsyento ng bawas sa korapsyon ay Diyos lang makakaalam. Marahil ay yung mga kontrata na sisilipin mismo ni DU30 ang siyang mawawalan ng korapsyon ngunit yung mga kontrata sa mababang lebel ay siya ring palilibutan ng korapsyon, lalung-lalo na sa ibang branches of government na hindi hawak ni DU30 katulad ng Judiciary at Legislative branches of government at siguradong ganoon pa rin ang sistema ng korapsyon. Malinaw naman ang sabi ni DU30 sa kanyang inaugural spits kung saan kanyang nilinaw na “do not mind me in my work and I will not mind you,” ang ibig niyang sabihin ay basta’t huwag ninyo akong pakikialaman sa aking mga gagawin ay hindi ko rin kayo pakikialaman, kaya kahit na ganoon ka-korap sa judiciary at lalong lalo na lungga ng mga buwayang kongreso ay OK LANG yan kay Du30 basta walang pakialaman, eh di everybody happi-happi pa rin. Yan po ang pananaw ng inyong lingkod. ABANGAN natin at tingnan ninyo kung magkakatotoo ang aking naging simple and humble forecasts based also on obvious common sense and decades of previous evident experiences.

####

Robredo ang tinik ni DU30- Nakalulungkot ang ganitong istilo ni Pres DU30 kung saan kanyang binabalewala at iniitsapwera ang kanyang VP. Wala naman siyang magagawa at si VP Manang Leni ang siyang lehitimong nahalal sa kasalukuyan unless makalusot ang protesta ni BBM. Ganyan ba ka insecure Pres DU30 at ayaw mong bigyan ng papel si VP Leni at baka ka masapawan at ma outshine ng iyong VP? Ganyan ka ba katakot na baka lalong lumawak ang mga supporters and believers ni VP Leni kapag siya ay binigyan mo ng pwesto sa gobyerno at naging matagumpay siya sa kanyang tungkulin? Dapat sana ay huwag kang maging insecure at sa tutuo lang ay hindi natin hawak ang buhay natin, malay mo sa makalawa lamang ay atakihin ka sa puso, eh di tapos ka na at si VP Leni na ang papalit sayo. Kaya sana ay habang buhay ka pa at nasa maayos ka pa ay pakisamahan mo rin ang iyong VP at huwag ka nang ma-insecure sapagkat ikaw na mismo ang nagsabi sa isa sa mga interview mo na ang pagiging pangulo ay destino at Diyos lamang ang makapagpapatupad nito kaya kung hindi naman naka-ukit sa tadhana na si Leni ang magiging president ay wala rin siyang magagawa. Para ka namang hindi lalake Mr. President si VP Leni lang pala ang katapat mo, puros ka lang bukang bibig ng Patay dito Patay duon!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages