• Inauguration Ni Dudirty & Manang Leni!!! • Solar bus sa Baguio-kinokontra ni Vice?!

Inauguration Ni Dudirty & Manang Leni – Malapit na ang inauguration ni President Dudirty. Ayon sa komentaryo sa media ay ayaw daw ni Dudirty na ipagsabay ang kanyang inauguration kay Manang Leni para sa ganoon ay mas makapag imbita si Manang Leni ng mas maraming bisita sapagkat ang inauguration ni Dudirty ay gaganapin sa Malacanang at mahigit 500 plus guests lamang ang imbitado. Tsk! Tsk! Tsk! Ayan ang istilo ng ating magiging unifying president?!

Tunay na unifying ang istilo nitong si Dudirty sa kanyang VP na Manang Leni kung saan hindi pa nga niya bibigyan ng kahit na anong puwesto sa kanyang cabinet. Ano marahil kaya ang posibleng mga kadahilanan nito? Sa aking pananaw ng mga posibleng dahilan ay: [1] Hindi papayag itong si Manang Leni na basta-basta na lang siya cha-chansingan o hahalik-halikan ni Dudirty (alam naman natin na istilo ni Dudirty yan). Aba eh may tulog si Dudirty kung gawin niya iyan kay Manang Lenis. Ang mga mababastos na mga biro ni Dudirty hindi yan oobra at palalampasin ni Manang Leni. [2] Pangalawa ay itong si Manang Leni ay matindi rin ang istilo sa masa at baka masapawan si Dudirty at ma-outshine ni Manang Leni si Dudirty. [3] Masyadong concerned si Dudirty sa feelings ni BBM at ayon sa kanya na mismo ay ayaw niyang ma-offend o ma-hurt ang feelings ni BBM. Hi ! Hi ! Hi! Kaya kung ma-atake ka Dudirty, patay kang bata ka at pati na rin mga alipores mong mga nakapaligid sa iyo.

Para sa akin ay mali ang ganitong istilo ni Dudirty, “The unifying President” na ayaw niyang bigyan ng puwesto sa kanyang gabinete itong si Manang Leni. Kung ang mga nasa kaliwa etc.., ay nabigyan niya ng puwesto, bakit mismo ang kanyang VP ay kanyang binabalewala???

####

Solar bus sa Baguio-kinokontra ni Vice – Kamakailan sa balita, lumalabas na very vocal itong si VM Bilog sa kanyang opinyon hinggil sa solar bus ni Vergara (Gladys) na sa ngayon ay nag bibigay ng free rides sa lungsod nang sa ganoon ay masubukan kung tunay nga kakayanin nitong istilo ng sasakyan ang mag-bigay ng magandang serbisyon sa publiko. Sa aking panananaw ay hindi tayo dapat na maging negatibo pag-dating sa ganitong uri ng mga environment friendly motor vehicles etc…, at obserbahan muna natin ang resulta.

Bakit kaya negatibo itong si VM? Ano kaya marahil ang posibleng mga dahilan???

In fairness to VM Bilog, basahin ang kanyang mga punto: Ayon kay Vice Mayor Bilog: “ I am not objecting to the test operation of the solar bus. May mga concerns lang ako about the solar transport system..1. Would the vehicle operate during rainy season or days na hindi nasisilayan ng araw..alam nyo naman climate natin..pag umulan minsan isang buwan na hndi mo pa nakikita si haring araw..anong mangyayari sa transport system natin pag hindi makapag operate..2. What will happen to our present transport system..may mga franchise sila na hndi natin pwedeng iterminate..3. Sabay bang byabyahe ang solar vehicle..jeeps and taxis…pagkaganon hindi ba tiyak matinding traffic idudulot nito..at kung matinding traffic tiyak matinding pollution ang bunga nito..4. Sinong mag ooperate ng transport system na ito..malalaking corporation? City govt of baguio? O sino…5. Hind kaya ito ng mga simpleng operators ng jeep at taxi anong mangyayari sa kanila..drivers at sa family nila..madami pang concerns na gusto ko answeran muna nila at kung maganda ang sagot susuporta tayo dyan..”

Kayo ang maghusga mga dear readers, kung ano kaya ang puno’t dulo o motibo ni Vice? Hi Hi Hi. AGA AMO TAYON APO VM BILOG

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages