Pirmahan na lang kasi ang waiver – Mahal na Pangulong Digong, isa akong certified na Dutertard. Ikinampanya ko po kayo at ibinoto ko po kayo nitong nakaraang eleksyon. Ako ngayon ay litung-lito na at hirap na hirap ng ipagtanggol ang aking mga aksyon sa karamihan ng aking mga kaibigan at kamag-anak. Parati kasi na papasok sa usapan ang bintang ni Senador Trillanes na kayo daw ay may tagong yaman o hidden/illgotten wealth na umaabot sa higit-kumulang dalawang bilyong piso. Parati ko na lang ginagawang palusot o dahilan na itong si Senador Trillanes na isang dilawan ay naiinggit lamang sa inyo at gusto lang kayong siraan. Bagama’t nauubusan na ako ng dahilan at katwiran kung bakit ayaw po ninyong pirmahan ang isang honest to goodness na waiver na siyang makapagpatunay na kayo ay wala ngang tagong yaman sa BPI Bank. Gaano po ba kahirap ang magpirma ng isang waiver? Hindi po ba ay napakadali naman magpirma ng waiver sapagkat naniniwala ako na wala naman kayong itinatago at hindi naman kayo isang korap na kawatan? Maaaring isa nga kayong mamamatay tao dala ng mga akusasyon ni Matobato at ni Lascanas na kayo daw ang founder at pinuno ng DDS o Davao Death Squad. Ngunit ibang-iba naman ang pagiging isang killer sa isang magnanakaw. Ayoko pong maniwala kay Senador Trillanes na kayo po ay isang korap at magnanakaw na opisyal.
Sana po ay matulungan niyo po ako at ang maraming mga katulad ko na mga DDS Supporters and believers na sa kasalukuyan ay hirap na hirap na kaming ipagtanggol ang inyong refusal to sign a simple fucking waiver.
PLEASE, MR. PRESIDENT, PATUNAYAN PO NINYO NA WALA KAYONG ITINATAGO. NAPAKADALI ITONG GAWIN DALA NG INYONG PAG PIRMA LAMANG NG ISANG WAIVER. NOW NA. WALA NG MARAMI PANG KIAO-KIOA AT PASULOT. NALPAS!!!
####
PUJ Transport Modernization– Huwag naman sanang puwersahin ng ating mahal na Pangulo ang pagpapatupad ng PUJ Modernization. Malinaw na sa mga impormasyon na lumalabas na baka hindi ito makayanan ng ating mga jeepney drivers.
Una sa lahat ay kung tutuo ang sinasabi na ang magiging minimum fare na sa kasalukyan ay P8 ay magiging P20. Sa fare increase pa lamang na ito ay isang malaking katarantaduhan na ito. Ngayon, ano ba talaga ang kakayahan ng E-Jeep pagdating sa kargahan? Paano na ang mga e-charging centers, ganoon ba karami at hindi ba ito magiging karagdagang bawas sa supply ng koryente? At ang mga kaha ng gustong ipalit na E-Jeeps ay parang lata ng sardinas etc.. etc…
Ngayon ang pinakamabigat ay ang sinasabing monthly amortization o babayaran na nasa halagang P800++ per day o P24K++ per month for the next 7 years. Aba, ano ito? Ang halaga daw ng unit ay nasa P1.5K na kapag nabayaran na ay na sa mahigit P2.3M na. O Diyos Por Santo Mahal Na Panginoon ano po bang kahibangan ito?
Kung seryoso ang gobyernong ito sa modernisasyon. una sa lahat ay gawin nilang mababa ang babayaran para sa unit, marahil ay kung kalahati ng P800/day ay kakayanin na ng mga drivers.
Kaya ang ibig kong sabihin ay itong mga panukala na ito ay hindi napag-aralan ng mabuti at ang tumutulak lang nito ay ang mga malalaking negosyanteng makikinabang ng bilyun-bilyong piso kasama na ang kikitain na por da boys ng mga kinaukulang opisyales ng gobyerno. Kilala naman na ninyo siguro kung sino ang aking tinutukoy na kinaukulang opisyales ng gobyerno na kikita ng tiba-tiba at limpak-limpak na salapi. NALPAS !!!