Tutuo kaya ang pagka gahaman ng opisyal ng PNP na ito – Ayon sa aking mga DPA -impormante, ito raw opisyales ng PNP na ito ay kinorner daw nya lahat ng intelihensya na supposed to be na mapupunta sa ibat- ibang unit na sumasalilalim sa kanya, at pati na rin ang intelihensya para sa mga medyas este media ay kanya rin ipina bawasan kung hindi ay tangalin na ng tuluyan. Ayon sa aking deep penetrating angel (DPA) kung maaari nga daw ay pati na rin por da boys ng mga popolitiko ay gusto rin nya ipa cut or at least ay bawasan ang katwiran ni Mr. Pulis Titing Matulis ay tutal naman daw ay siya rin ang nadidikdik at na sisisi kapag may mga raid o hulian. Hi !Hi !Hi! Kung tutuo ang inpo na ito ay ang masasabi ko lang ay tama yan Ser, solohin mo lahat para ikaw lang ang Happy. Tutal naman ikaw lang ang anak ng Dyos! Hi !Hi ! Hi! Tunay na madaling makalimot ang marami sa mga nasa kapangyarihan at mistulang hindi nila naalala ang mga nangyari katulad nung panahon ni Pangulong Erap kung saan ninais ng isang Prinsepe Atong Ang ang solohin lahat at pati na rin ang isang matinding Haring Chavit Singson ay kanyang ibinalewala kaya ayun na sipa ang mga GAHAMAN, sipa si Emperor Erap at kasama na rin si Prinsepe Atong. Ang isang very basic at simpleng leksyon lang naman ay ang isang GAHAMAN na hindi marunong ng o nagsasagawa ng spread the sunshine ay hindi tatagal. O tignan mo yun SUWAPANG na TONGRESMAN na yun, mabuti na lang sa awa ng Dyos ay hindi na uli lumabas. Kaya kung tutuo ang inpo na ito ay sigurado ko na hindi magtatagtal ang ganyan istilo ng mga SUWAPANG NA GAHAMAN PA, PWEEEE… BUMALIK KA SA PROBINSYA SA BUNDOK!!!
####
Mga drug lords asan na – Mr. President tigang este Digong, Ser, asan na po ang mga sinasabi ninyong drug lords na inyong itutumba at patitigilin ? Yuon po ba ang mga limang heneral na pinangalanan ninyo ng walang anuman ebidensya ??? O baka naman yun isang Peter Lim na inyong kakompare at election campaign donor/supporter ang tinutukoy ninyo na drug lord ??? O baka naman yuon na ang mga nasa loob ng munti na sina Golangco ang company??? Alam naman ninyo Mr. President tigang este Digong, inaasahan ng mamamayan Pilipino ang inyong pangako na patitigilin ninyo ang malalaking drug lords at hindi lang ang puros mga naka tsinelas ang inyong tinotodas, o baka naman hanggang puros pipitsugin tulak lang ang inyong kaya, at siguradong may mga kaso pa ng mga salvaging ng mga inosenteng Juan dela Cruz!!! Ibunyag na ninyo ang pangalan ng mga Polpolitiko (Mayors, Gobernatongs, Tongressmen, Senatongs) na involved sa drug trade maging supporter, pusher at protector sila. Please name names Mr. President, SIR.
####
Pres Du30 –OVERACTING (OA)– ano ba naman klaseng pang famas awards ang nakikita natin na dramang matindi ni Pres Digong, ano ba naman klaseng overacting ang kamakailan ang nakikita natin sa social media at naipapabalita, ano ano ito ka ninyo, eto ang tatlong halimbawa ? No. 1- ang kanyang convoy ay humihinto sa traffic at mga traffic lights, ano bang kalokohan ito eh ibig mong sabihin hindi ganuon ka halaga ang oras ng pangulo kaya pwede sya ma stak sa traffic, Oh C’mon, dapat ay hindi na humihinto sa traffic lights ang Pangulo sapagkat napaka halaga ng bawat minuto o segundo ng oras ng Pangulo kaya dapat ay excempted sya sa traffic. Sya lang po. No. 2- nakita natin na kunwari ay dumadaan siya sa screening sa airport kung saan dumadaan pa sya sa x-ray machine samantalang ang kanyang mga PSG security ay nilalampasan lang ang mga ito, Oh C’mon Mr. President. Kaya nga mahigpit ang check point sa airport ay dahil sa mga taong katulad ninyo , pero ang iyong mga secutiry ay hindi naman dumadaan sa security check, eh ano yun at pa kunwari ay sa economy class pa naka sakay, ngunit na ka cordon off din naman sa ibang pasahero, bayad kaya lahat mga upuan na yuon o complimentary ng airline??? Dapat ay mag private jet ka na lang Mr. Prsesident para wala ng abala sa mga ordinaryong mamamayan etc…. No. 3- isa pang nakakataw ay pinakita pa sa social media na pumipila pa sa isang linya papunta sa buffet table sa Malacanang para kumuha ng pagkain, ang galing nga naman ano, istail Pope Francis yan Mr. President, hindi po ninyo original yan at si Pope Francis pinakita nay an na siya ay pumipila sa cafeteria ng Vatican, ang tanong ngayon ay pipila ka rin bas a ibang mga buffet table sa ibang mga lugar??? Hindi ko lang lubos na maisip na ang isang pangulo ay pakunwaring pipila pa sa isang buffet table, bakit, once again ay hindi ba ganoon kahalaga ang oras ng pangulo ??? But in fairness sa inyo Mr. President, gusto ko yun gagawin ninyo na isimplify ang darating na SONA at saka na rin ang ayaw ninyo na tawagin na His Excellency, aprub na aprub po ako duon at isang malaking YES at bilib ako sa mga moves nyo na yan, kung sabagay titulo lang naman kasi yan at wala naman sa titulo yan, kung hindi nasa gawa, na sa accomplishments ang bottom line. MABUHAY PO KAYO PANGULONG DIGONG