Abusadong mga Kupitan!!!

Talaga nga naman ano, hindi ko mintindihan ang ibang mga kupitan este Punong Barangay na sobra ang tulis?! Masuwirti nga sila sa ngayon at mukhang hindi na matutuloy ang Barangay Elections at kanilang maipapatuloy ang kanilang kagaguhan (pangongorakot) bilang mga hold over, or else siguradong di na lalabas ang mga suwapang na yan.

Bago po ako magpatuloy ay nais ko lang munang linawin na sa aking palagay ay kakaunti lamang ang mga bad eggs ika na mga barangay kupitan. Sa aking palagay ay ang majority ng mga punong barangay ay matitino at naninilbihan ng nahigit pa sa tapat sa kanilang tungkulin kung hindi ay labis-labis pa ang kanilang serbisyong pang publiko na kanilang ibinibigay sa kanilang mga constituents.

Ang malungkot sa mga tulisan at TAKAW kupitan na ito ay karamihan sa kanila ay maka-sarili at hindi marunong tumulong at mag-share ng kanilang mga grasya sa kanilang mga ka-barangay o sa kanilang kasamang mga kagawats este kagawads. Hi! Hi! Hi! Hindi nila alam yung kasabihan na spread the sunshine.

Sa ngayon ay panay blind items muna tayo nang sa ganoon ay mayroong konting suspense sa kung sinu-sino kaya ang aking tinutukoy, bagamat sa mga nakakakilala sa aking istilo ay unang isinasagawa natin bago natin silang i-expose sa aking kolum at sa pahayaganag ito ay sinasampahan muna natin sila ng reklamo kung hindi sa DILG sa OMB o sa CSC (with the kind courtesy and most valuable support of our volunteer lawyers) pagakatapos ay saka natin ipaalam sa publiko kung sino sila, para sa ganoon ay hindi sasabihin ng ating mga dear readers na ako ay hanggang kiao-kiao o hanggang pasulatsulat lamang.

Bilang Director for Anti Graft and Corrupt Practices ng Linis Gobyerno (isang NGO na hindi nakikihalo sa pol-politiko), ang aming paniniwala ay basta’t mayroong basehan ay sampahan ng reklamo, lalung-lalo na kung mayroong ng mga findings sa COA, sapagkat maari naming gamitin na testigo ang taga COA.

At baka naman iniisip ninyo na hanggang kupitan at kagawat lang ang aming kayang ireklamo, aba eh hindi po ‘yan totoo and that is farthest from the truth sapagkat kahit na Mayor, Governor at Tongressman basta mayroong basehan ay ok lang. In fact, ang kasalukuyang Speaker of the House na si Pantalon Alvarez ay sinampolan namin nuong siya ay Secretary ng DOTC (remember PIATCCO-Frapport deal/NAIA 3) kung saan isa kami sa mga oppositors sa CA to his appointment? Sa awa ng Diyos ay tinamaan din ng hiya at bumitiw na lang siya, at marami pa pong ibang mga top officials ang ating inirereklamo sa mga kinaukulang opisina. Kung magka minsan ay ipinapasa namin sa aming sister NGO na ang VACC. Bagama’t hanggat maari ay dumidistansiya kami sa ngayon sa VACC sapagkat ang kasalukuyang hepe (Chairman Dante) ay masyadong exposed sa politics at acknowledged supporter ni PDugong samantalang kami sa Linis Gobyerno (LG) ay panay low profile lamang at kontra-EJK kami.

Basta’t para sa akin ay walang personalan, trabaho lang (sabi nga ni Bungo, one of our former advisers, the late Manong Bungo), at kung may butas ay lalong butasan (jok jok lang) lalung-lao na at ang pagkakasala ng katiwalian ay dala ng kasakiman at pagka-gahaman.

Tama po ba MGA MAHAL NA KUPITAN!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages