Aliping, D’-one-and-onli; Go & Vergara mahina sila!

Aking ipapaliwanag kung bakit ko nasabi na walang binatbat ang mga katunggali ni Cong. Aliping na sina Go at Vergara. Basahin ang mga accomplishments nitong si first timer and neophyte Congressman Aliping.

1. First time congressman pa lang mayroon ng ekta-ektaryang lupain na kanyang dine-develop as a private resort sa isang WATERSHED sa bundok ng Mount Sto. Tomas Tuba, Benguet. Si Go ba at si Vergara mayroon nun?

2. First time congressman pa lang mayroon ng MANSYON sa Quezon City. Si Go ba at si Vergara mayroon nun?

3. First time congressman pa lang mayroon ng malaking bahay –MANSYON na kanyang iniskwatan ang lupa sa Crystal Cave na isang tunay na government property dala nang ito ay Crystal Cave Reservation (4.5 hectares, Proclamation No. 16 dated April 27, 1922). Si Go ba at Vergara may lupain at bahay na iniskwatan sa Crystal Cave?

4. First time congressman pa lang may matinding kaso sa Ombudsman dala ng pag-demanda sa kanya ng Department of Justice (DOJ) sa kanyang pagka-sangkot sa pagputol ng humigit-kumulang na 1,000 plus na puno. Si Go ba at si Vergara may kaso sa Ombudsman sa krimen laban sa kalikasan?

5. First time congressman pa lang mayroon ng na-issue sa kanya na Temporary Environmental Protection Order (TEPO) na regalo sa kanya ng Korte Suprema para maawa siya sa kalikasan. Si Go ba at si Vergara na-isyuhan na ng TEPO?

6. First time congressman pa lang naka-kalap na ng bilyon pisong pondo dala ng siya ay kasamahan ni Pangulong PNOY sa LP, mga proyekto na sigurado natin na walang bahid ng KORAPSYON???. Si Go ba at si Vergara kaya kumalap ng BILYON PISONG PONDO?

7. Si Aliping hindi pa Congressman, nag wild west sa Bakakeng at pinaputok ang kanyang paltog para pakita na tunay na lalaki talaga siya at ‘wag natin kakalimutan ang ipinakita niyang tunay na PAGMAMAHAL sa mga PROFESSIONAL BIG TIME SQUATTERS noong taong 2009 sa ISINASAGAWANG OFFICIAL AND VALID DEMOLITION SA BUSOL WATERSHED ng kanyang hinabol at hampasin si Engr. Nazita Banez, at pati na ang mga pulis ay napatigil dala ng mga aksyon ni Macho Man Attorney City Councilor Aliping. Si Go ba at si Vergara kayang umasta ng ganyan?

8. Sa kasalukuyan, Campaign Headquarters pa lang A1-team- ALIPING, nasa isang 1,100 sqm property na sa kasalukuyan ay hindi ko pa tiyak kung nabili na ito ni Aliping o kung ano ang usapan sa may-ari ng lupain (Gamphel Realty-kagalang galang na contractor Gamaliel Flores), ngunit atin itong aalamin. O, tingnan naman ninyo ang mga Campaign Headquarters ni Go at Vergara parang lungga ng AWW-AWW doggie-dogie –Dog house! Mga walang binatbat!

9. Ito talagang si General Manager ng Baguio Water District (BWD) kung bakit pina-sampahan pa ng reklamo itong si Aliping sa Pollution Adjudication Board for violation of the Clean Water Act of 2004 dahil sa pag-kontamina daw ng tatlong springs sa Camp 6, Tuba mula daw sa earth moving and tree cutting sa resort ni Aliping. Ano ka ba naman GM Royeca, para na kontamina lang naman ang mga springs na tumutulong sa supply ng tubig sa Baguio, eh bakit habang buhay bang makokontamina ang mga springs? Eh lilinaw rin naman ‘yan, tutal naman maraming tubig sa siyudad ng Baguio at hindi naman kinakapos ang tubig sa Baguio. Ikaw talaga GM Royeca, pinupolitika mo si kaawa-awang Aliping ha?! O si Go ba at si Vergara may reklamo-kaso sa Pollution Adjudication Board for violation of the Clean Water Act of 2004?

Wala talaga kayo.

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages