“Ang ating mga pagkain, puno ng lason”

INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Pakatandaan ninyo: Bago pa man isinilang si Abraham, ako ay si `Ako Nga’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, Juan 8:58, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

“ANG ATING MGA PAGKAIN, PUNO NG LASON”: Mula kay G. Felipe Gabriel, high school classmate ko mula sa Tarlac na ngayon ay isa ng matagumpay na agriculturist, basahin po natin ito: “Bago natin ihain ang kanin sa hapag-kainan sa ating mga mahal na pamilya, hayaan ninyong isalaysay ko ang mga lason na pinagdaanan ng palay natin. Punla, spray molluscicides at insecticides. Pagkatapos itanim, molluscicides (pamatay-kuhol), weedicides, herbicides.

“Pag-aalaga hanggang mamulaklak: halo-halo (cocktail) na insecticides, pesticides, fungicides, at calendar spraying (tuwing ika-pitong araw). Fertility management: based on research result: Petroleum-based synthetic urea turns into nitrates bago sipsipin ng ugat ng palay at maging nitrite pag-abot sa bunga ng Palay (nitrite is poison).

“Warehouse: fumigate with rodenticides (lason sa daga), pesticides para sa ipis, kuto, bokbok at iba pa! Sa dami ng “CIDES” na ipinakain sa palay, prutas at gulay, para na tayung nag-SUICIDE? Dahil diyan, di na tayo TATANDA! Dahil mamalatay tayong BATA!
Saan papunta ang AGRIKULTURA NATIN?” Well, saan ng aba?

-ooo-

DEAR ATTY. BATAS: “Dear Atty. Batas. Ask Lang po Atty. Batas kung naifile mo na ba sa police report ang tao possible ba na pd na ito mag-direk filling tapos me barangay blotter pa? Marlyn Gumabon.”

Marlyn Gumabon, salamat sa tanong na ito. Sa pag-aaral ng BATAS (o Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (o Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), depende po sa kasong naipa-blotter na sa barangay o sa pulis kung pupuwede ng mag-direct filing, either sa mga hukuman na o sa piskalya pa lamang.

Sa ilalim kasi ng Katarungang Pambarangay Law na matatagpuan sa Local Government Code of 1991, ang lahat ng mga kaso, civil man o criminal, ay kailangan munang idaan sa mga barangay officials bago i-akyat sa hukuman o sa piskalya. Kaya lang, may mga exceptions sa reglamentong ito, kung saan puwede ng idiretso ang filing ng mga kaso. Ano ang mga exceptions na ito? Abangan po ninyo bukas, God willing.”

-ooo-

SINABI NI JESUS NA NAUNA PA SIYA KAY ABRAHAM: PAANO NANGYARI YUN? Isa sa mga patotoo ni Jesus na Siya ang Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na nakasulat sa Bibliya ay mababasa sa Juan 8:58. Sa bersikulong ito, ipinaliwanag ni Jesus na nakita na Niya si Abraham, ang taong pinangakuan ng Diyos na ang mga kaapu-apuhan niya ay magiging sindami ng mga bituwin sa langit o ng buhangin sa mga dalampasigan at mga karagatan.

Nagulat ang mga Judio sa sinabing ito ni Jesus, dahil, kung tutuusin nga naman (at kung babasahin ang talaan ng mga “ninuno” ni Jesus sa lahi ni Abraham sa Mateo 1:1-17) makikita nating “naunang isinilang sa daigdig” kumbaga si Abraham ng maraming henerasyon kumparado sa “pagsilang” ni Jesus sa mundo. Sa paningin noon ng mga Judio, imposible ang sinabi ni Jesus na nakita Niya si Abraham at nakita din Siya ni Abraham, kasi nga maraming taon ang kanilang pagitan.

Pero, sa pagpapahayag ni Jesus, ibinunyag Niya na bago pa man isinilang si Abraham, naroroon na Siya, dahil Siya ay si “Ako Nga” (Juan 8:58). Sino si “Ako Nga”? Sa kolum dito kahapon na tumalakay sa Exodo 3:14, maliwanag na si “Ako Nga” ay ang Diyos Ama. Dahil diyan, maliwanag na noong sinabi ni Jesus na Siya si “Ako Nga”, ang tunay na sinabi Niya ay Siya ang Diyos Ama.

-ooo-

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: “Panginoong Jesus, tinatanggap at pinananampalatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang tubusin ako sa parusa sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at akayin mo ako sa lahat ng sandali. Isinusuko ko sa iyo ang aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakataon. Amen.”

-ooo-

TUMAWAG PO KAYO SA AMIN: Kung gusto ninyong magkaroon ng mas matinding kaalaman kung sino ang tunay na Diyos, tumawag po kayo sa amin sa 0977 805 9058, 0918 574 0193, 0933 825 1308 o sa aking Messenger account sa Facebook, “Melanio Lazo Mauricio Jr.” Email: batasmauricio@yahoo.com, mmauriciojr111@gmail.com. Maaari din po kayong magbasa ng aming website sa AND KNK, ang andknk.ph o www.facebook.com/attybatas.

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages