Bagman daw ni RD Tama si Mayor sa pag-preno sa Panagbenga

paken

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bagman daw ni RD – Ano ba naman itong mga balitang ipinadala sa inyong lingkod hinggil sa mga aktibidad daw ng isang regional director dito sa Cordillera na ubod daw ang takaw at nakapatong daw sa lahat ng naka-under sa kanyang opisina?! Yung nag-email sa akin at nag-iwan ng contact number ay nag padala pa ng litrato ng bahay daw ng bagman ni direktor, at ang sabi pa sa akin ay iparating ko raw sa opisina ng Ombudsman o sa PACC kay kasamang Dante Jimenez ng ipa-lifestyle check daw ang bagman na ito.
Sa tutuo lang ay maingat po tayo sa mga info na dumarating sa atin lalung-lalo na at ang source ay ayaw namang lumutang at sa kasalukuyan ay nais lang muna ng source na maging. Siguro ay padadalhan muna ng aming grupo ang tanggapan ni Mr. RD at pati na ang kanyang bagman at kukunin natin ang kanilang panig hinggil sa mga isyu na ito at baka panira lamang ito ng kanilang pagkatao. In fact, ang request pa nga ng impormante ay ilabas ko raw sa aking kolumn o sa pahayagan na ito ang hingil sa mga ma-anomalya na alleged info na ito at i-publish ko rin daw ang litrato ng bahay ni Mr. Bagman. Sabi ko sa aking impormante na hindi ko naman basta-basta magagawa ang kanyang hiling kung hindi siya handang lumutang at magbigay ng sinumpaang salaysay. Kaya ayun, ayon sa aking impormante ay kukumbinsihin pa daw niya ang ilan sa kanyang mga kasamahan na lumutang na at magsagawa ng sworn affidavit at kapag ito ay kanilang nagawa ay garanisado ko 100% na ating ilalabas ie-expose ang lahat ng mga raket ni MR. RD at ng kanyang MR. BAGMAN. In fact, hindi lang natin ilalabas kung hindi ay ipararating ko agad sa tanggapan ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) na pinanggunahan ni Ka Dante Jimenez ang Chairman rin ng VACC na siyang sister NGO ng Linis Gobyerno. Kaya for now ay puros blind items muna tayo. Tingnan taka ang haybol (istail yorme) haybol is house] ng bagman ni Mr. RD.

####

Tama si Mayor sa pag-preno sa Panagbenga – Mayroon akong nakukuhang feedback na medyo raw sila naghihinanakit kay Mayor dala ng kanynag pag-preno sa opening ng Pangbanga at posibleng mag karooon ng slow down sa darating na closing ng Panagbenga annual celebration. Sa aking pananaw ay tamang tama si Mayor na hindi niya dapat irisko ng wala sa lugar ang kalusugan at kapakanan ng mga taga Baguio at ipatuloy ang matinding selebrasyon ng Pangabenga na posibleng magdulot ng pagkahawa-hawa ng NCOV. Mas mabuti ng mag-sakripisyo na muna ang maraming nakikinabang ng pinansyal sa Panagbenga sa kasalukuyan at isipin na lang natin na hindi lang naman iisa ang araw at mag kakaroon pa naman ng Panagbebnga celebrations sa taong 2021. Kaysa pilitin natin ang isang ma-grandeng selebrasyon kung saan dudumugin tayo ng napakaraming tao na kung saan posibleng magkahawahawa tayong lahat at sa kasamaang palad ay posibleng marami sa ating mga taga Baguio ay mapasama. NALPAS!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages