Balanag at Vergara nag Hain na ng Kanilang Depensa!!!
April 25, 2015
Sayang at hindi pa kami pinadalhan ng kabuuan Counter Affidavit ni kagalang-galang na Honorable Bernardo M. Vergara at ng kanyang Public Relations man na si Honorable Ferdinand “Ferdie” Balanag hingil sa kasong kinasasangkutan nila na isang criminal election offense on the violation of the omnibus election code hingil sa kanilang alleged involvement sa diumano ay pag nanakaw ng mga balota. Ang ibinigay sa aming tangapan ni Mr. Odell Aquino ang Publisher ng Upland News On Line ay ang liham mula kay Mr. Balanag at sa aking pag kakaalam ay yuon kabuuan liham ni Mr. Balanag ang siyang naka publish sa headline story sa isyu ngayon ng pahayagang ito. Maliban sa impormasyon na ibinigay sa akin ni Mr. Aquino ay mayroon din akong isang impormante na sa ngayon ay ating tatawagin na si Mr. RG na nag email sa akin ng diumano ay mga ebidensya na inilabas ni Mr. Balanag sa kanyang Pisbuk este Facebook na nag papatunay na siya ay na sa USA nung panahon na nangyari ang alleged na krimen. Ang mga impormasyon na email sa akin ay ang passport, visa, flight confirmation at iba pa. Ayon kay Mr. Balanag ay lumipad siya papuntang USA nuong June 17, 2013 at bumalik sa Pinas nuong July 7, 2013 , samakatwid ay nasa USA si Mr. Balanag sa mga panahon na yuon. Sa puntong ito ay aking tatangapin na tunay nga na na sa USA itong si Mr. balanag nung mga petsa na yuon, ngunit ayon naman sa nag aakusa na si Mr. Acosta ay ang krimen daw ay nang yari sometime before June 30, 2015 samakatwid ay nasa Pinas pa naman si Mr. Balanag before June 30, 2013 at siya lamang ay umalis nuong June 17, 2013. Hingil dito sa mga info na ipinabas ng mga inakusahan ni Mr. Acosta ay sinubukan namin kontakin si Mr. Acosta sa pamamagitan ng pag tawag at pag text sa kanyang celpon at sa pag eemail sa kanya, salamat nga pala Mr. RG sa ibinigay mo na CP Number at email address ni Mr. Worthy Acosta. Nag bigay rin ng komento si Mr. Acosta na inyong mababasa sa headline story ng pahayagang ito. Sa puntong ito ay neutral pa rin ang inyong lingkod at hindi pa ako maka gawa ng pinal na konklusyon hingil sa isyu na ito, at sana manawari ay paspasan na ng Comelec ang pag resolba ng imbestigasyon para nang sa ganuon ay magka alaman na at nang malaman ng ating mga bobotanteng tanga Baguio este botanteng taga Baguio kung mayroon ngang kinalaman si Apo Bernie at Apo Balanag sa operasyon dukot balota na naganap daw. Sa ngayon ay nais ako lang muna kayong iwanan ng ilan komento:
1. Sa dinami dami ng tao na ma sasangkot ni Mr. Worthy Acosta, bakit sina Ginoong Balanag at Vergara ang kanyang idinamay, bakit kaya, anong meron sila o kinaugayan nila sa kwento na ito ng mga dinumanoy mga pangyayari?
2. Ayon sa mga impormante, si kagalang-galang na Apo Bernie Vergara ay ilan beses daw nag banggit in small groups na siya daw ay nadaya ng Hokus-Pokus-PCOS na yan nuong nakaraang eleksyon. Tutuo kaya ito na opinyon at paniniwala ni Apo Bernie Vargara na tunay nga siyang na daya ng Hokus-Pokus-PCOS at marahil ay siya dapat ang tongressman este congressman sa kasalukuyan (Hi ! Hi ! Hi ! – Mark Go isa ka pa sigurong na daya rin ano, cge na sumawsaw ka na rin ?) ? At kung nag karoon nga ng dayaan eh di si Apo Nicasio Aliping na siyang naging tongressman este congressman ang siyang marhil ang mastermind ng pandaraya sa Hokus-Pokus-PCOS. Hi ! Hi ! Hi ! Ikaw talaga Apo Cong. Aliping mayroon ka palang kapangyarihan na mag magic ng Hocus-Pokus- PCOS machine ha!!!
3. Kung walang na nakaw na mga balota, bakit hindi icertify ng kagalang galang na tresurero at ng ibang kinaukulan opisyales ng Baguio at Comelac na walang na nakaw na balota, hindi ba nagsagawa ng imbentaryo ang treasurer etc…, ng sa ganuon ay medaling pabulaanan ang bintang ni Mr. Acosta at kung intact nga ang mga balota at walang nawala eh d walang naganap na krimen, hindi po ba simple common sense lang po yun?