Ano bang mga salita yung ating narinig na lumabas mismo sa bunganga ng ating Pangulong Digong? Siya daw ay nagdadala ng isang unlicensed na baril sa dahilang kung makatapat niya si Sen Trillanes ay kanya itong hahamunin ng isang duelo. Maliban dito ay sinabi rin ni PDigong na hamunin din daw ng duelo ng mga sundalo si Sen. Trillanes. OMG! Ano ba namang mga salita ito?! Usap-uasapan ba ito sa bangketa ng mga sanggano?
Hindi ba at bawal ang magdala ng isang unlisenced na baril? Above the law pala ang Pangulo at siya ay pu-puwedeng magdala ng isang unlicensed na baril!
Hindi po ba bawal ang manghamon ng isang gun duel o duelo sapagkat ito ay maaring makasakit o makapatay ng iyong kapwa? Hindi ba isang implicit order o kautusan ito mula sa kanilang commander in chief sa mga sundalo at kapulisan na sila ay hamunin si Senator Trillanes at nang sa ganoon ay kanila itong mapatay?
Mabuti sana kung ang nagsasabi ng mga ganitong pronouncements ay hindi isang abogago este abogado at maaaring excusable pa sapagkat pupuwede nating isipin na tutal naman ay hindi alam ng taong nagsasabi nito ang batas. Ngunit kung ang nagsasabi nito ay isang abogado, aba eh ibang usapan na po ito. Ang ating pangulo ay isang abogado kaya he is expected to know the law, bagamat mayroon din namang kasabihan na ignorance of the law does not excuse anyone, more so ignorant lawyers.
Mr. President Digong, ANG TAMA NA DAPAT NINYONG GAWIN AY SABIHAN SI VM POLONG NA IPAKITA NA LAMANG ANG KANYANG TATOO AT PUMIRMA NG WAIVER TO SEE HIS BANK ACCOUNTS NG MATAPOS ANG MGA HAKA-HAKA AT KAYO NA RIN MR. PRESIDENT PUMIRMA NA RIN KAYO NG WAIVER, NG WALA NG USAPAN AT AKO MISMO AY MAGIGING SUPPORTER MULI NINYO.
TAMA NA ANG PUROS KIAO-KIAO!
Nalpas!!!
####
Ano ba talaga ng mga kadahilanan kung bakit nais ng administrasyon na ito na brasuhin ang ating Chief Justice Maria Lourdes Cereno, CJ Sereno for short???
Kung inyong matatandaan, itong si CJ Sereno ang isa sa bahagyang nagpakita ng independence hinggil sa mga autocratic o mala diktadurang pronouncements ni PDigong hinggil sa mga warrantless arrests at iba pa. Ito ring si CJ Sereno ang nagsasabi na dapat nating pairalin ang due process at huwag basta basta magsasagawa ng mga short cuts.
Kasalukuyan ay na sa Korte Suprema na ang ihinaing klaripikasyon ni Senator Delima hinggil sa kanyang pagku-kwestiyon sa sinasabing immunity from suit ng ating pangulo for acts committed outside of the performance of official functions. Isang malinaw na halimbawa ay ang pag-amin ng Pangulo na siya ay nagdadala ng unlicensed na baril. Kung nais na sampahan ng reklamo ay bakit siya dapat na maging immune from suit for such stupid and seemingly unlawful comments?
Hoy, kayong mga Abogago este Abogado na mayroon pang mga bayag, ano pa ang inaantay ninyo? Kung sabagay, sa aking palagay ay kapag kanilang ipinagpatuloy na pahiyain si CJ Sereno ay babalik lamang ito sa kanila at sila rin ay mabubulaga ng kanilang mga istupidong aksyon!