Benham Rise – Ano ba naman kasi ang benham rice na yan? Katulad ba yan ng dinorado, angelica o jasmine rice? Bakit ang daming kiao-kiao hinggil sa lugar na ito? Tutal naman ay hindi rin naman natin kayang ipaglaban ang ating mga isla na sariling atin eh di ipamigay na lang natin sa mga intsik at total naman ay pauutangin naman tayo ng mga intsik para pang imprastraktura. Mabuti sana kung makakain na natin agad ang benham rice este rise eh di ipaglaban natin, eh hindi naman natin makakain ang salitang sovereignty. Tama naman si Pangulong Digong nang kanyang sabihin na wala tayong kalaban laban sa military ng China kaya dapat ay pabayaaan na lang natin ang China na gawin ang gusto nila at tutal naman ay minura –mura at ininsulto na ni PDigong ang mga Kano na karapat dapat na tutulungan sana tayong ipagtanggol ang ating likas na yaman. Hi! Hi! Hi!
Katulad ng isinulat ko nuon ay welcome to China ang Goodbye to the USA. Hi! Hi! Hi!
At muli kong uulitin na di hamak na mas masarap ang lutong Intsik hindi tulad ng lutong Kano na puros hambolgel at hatdog ang madalas na kainin; sa lutong Intsik anjan ang pansit kanton, leni-lugaw, lumpia shanghai, syomay, syopao at malami pang iba na loto Insik.
Kaya kayo mga dear readers, saan pa kayo – sa bansang masarap ang mga lutuin o sa bansang hindi masarap ang lutuin. Hi! Hi! Hi!
Sana nga lang ay wala ng visa fee ang mga Pinoy pag punta ng China at dapat na patawan ng mahal na visa fee ang mga Kano kapag papasok sila sa ating bansa. Mainam sana kung mga nasa One Thousand US Dollars ($1,000.00) ang visa fee na sisingilin ng Pinas sa mga Kano na kumukuha ng visa papasok ng Pinas. Tama po ba kagalang –galang na mga Dutertards? Hi !Hi ! Hi !
####
DOT Secretary Teo- Tama naman si Secretary Teo ng Departamento ng Turismo nang kanyang sabihin na dapat ay huminahon sana ang reporting ng mga medyas este media. Dapat lang na “i-tone down.” Ang tanong ay alam ba ng mga medyas kung paano mag tone down o sa tagalog ay palambutin ang balita at gawing tama este mali este tama, hay yay yay hindi ko na tuloy alam ang tama at mali. Hi !Hi !Hi!
Halimbawa ganito yan, kapag mayroon uling nanlaban at napatay huwag i-report na nanlaban. Ang sabihin ay nagbigti o nag suicide. Kapag mayroon nag-lalakad na isang pamilya at nabaril silang lahat ng mga riding in tandem at napatay lahat pati bata, matanda etc…, huwag ireport na ganoon. Ganito ang pag report ng ganyang insidente ang sabihin ay isang grupo ng mga taong naglalakad nagbarilan kaya ayun patay silang lahat o di kaya ay pamilya inambush ng mga ET (extra terrestrial). Ganyan mga kawani ng medyas ang pag tone down. Tama ba mga Dutertards???
Hindi na kayo naawa kay Secretary Teo na hirap na hirap i- market ang ating bansa sa abroad. Talaga kayong mga medyas, palibhasa hindi kayo marunong ng sinasabing alternative truth and fucktual reporting kaya nagrereport kayo ng aktuwal na pangyayari. Ano ba naman kayong mga traditional na medyas. PWEEE…. Hi! Hi! Hi!. Oks ba mga Dutertards!?!?!#