>>Billiones na rason para matalo si Pacquiao! >>Mga Hero na SC Justices!

Mga Hero na SC Justices – Pagkatapos kong mabasa ng kabuuan ang dissenting opinion ni SC Justice Marvic Leonen (Baguio Boy rin), buong buo ang aking pag sangayon at pag suporta sa kanyang naging pahayag na opinyon, basahin ang parte ng nasabing opinyon:

“The group committing atrocities in Marawi are terrorists. They are not rebels. They are committing acts of terrorism. They are not engaged in political acts of rebellion (underlining). They do not have the numbers nor do they have the sophistication to be able to hold ground. Their ideology of a nihilist apocalyptic future inspired by the extremist views of Salafi Jihadism will sway no community especially among Muslims.” Sa kabilang banda ay ganoon din ang explanasyon ng mga sumusunod na mahistrado ng SC na sina Justices Sereno, Carpio and Caguioa na nararapat lang daw na ang Martial Law ay sa ibang mga lugar lamang ng Mindanao at hindi sa kabuuan ng Mindanao. Katulad halimbawa kung ang iyong sasakyan ay naaksidente at na involve ka sa isang minor accident, ang ibig mo bang sabihin ay ipalalatero mo ang iyong buong sasakyan at ipapipinta mo ng kabuuan, siyempre ay hindi , at ang iyong ipagagawa lamang ay ang parteng na aksidente o nasira. Isa pa na halimbawa, kung ikaw ay nabalian sa may kamay mo o sa daliri, ang ibig mo bang sabihin ay buong braso mo ang siyang ilalagay sa plaster/cement cast, siyempre ay sa parting kamay mo lang ang isisimento at hindi ang buong braso. Hindi naman ito mahirap unawain hindi po ba mga dera readers. Ganuon ka simple lang naman ang lohika nitong bagay na ito hindi po ba? Kaya ang aking dasal ay sanay manawari ay ang inyong mahal sa buhay o kayo mismo ay hindi maging biktima ng karahasan dulot ng martial law sapagkat sa ayaw at sa gusto ninyo ang martial law na siyang military rule ay parating magkakaruon ng mga pang aabuso, yun nga na walang martial law maraming ng pang aabuso eh yun pa kaya na martial law. Konting isip-isap lang po. Ibang iba pa rin ang mabuhay sa isang Malaya na demokrasya na walang takot sa kanino man lalong lalo na sa military . Kahit ano pa ang inyong sabihin na itong martial law na ito ay mayroon kinaukulan safeguards and controls, yaan ay kalokohan at sa tutuo lang ay ang martial law (military rule) in whatever form is prone to abuse. Period!

####

Billiones na rason para matalo si Pacquiao – Ang pagkatalo ni Pakwyaw ay kanya rin pagkapanalo sa kanyang makokobra at ikalalaki ng kanyang bank account. Kitang kita naman natin kung sino ang tunay na panalo, kaya nga lang ang problema sa boxing ay mahirap magsagawa ng isang moro-moro o sarsuela kung saan palalabasin ni Pakyaw at ni Horn na mahina sumuntok si Pakyaw kaya ayun lamang sa dami ng suntok at magagaling na galaw ang ating pambasang kamao, malinaw na siya ang nagwagi. Kasi kung ipinanalo na si Pakyaw ngayon eh di wala nang re-match at baka wala ng makalaban si Pakyaw samantalang kung matalo si Pakyaw ay garantisado ang re-match at BILYONES na kita nanaman si Fakyaw este Pakyaw. Alam naman ninyo kung ilan bilyon piso ang nakukubra ni Pakyaw, kaya hanggang sa muli at sa susunod na scripted na laban ni Horn at Pakyaw pakatatandaan ay pera pera lang ang boxing. O kayong mga natalo nitong nakaraan na laban ni Horn at Pakyaw siguraduhin na kay Pakyaw na kayo pumusta at siguradong si Pakyaw na ang mananalo this next fight nila. Wag kayong OBOB ha.

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages