>Binay o Du30, Escudero o Marcos?? >Mga BOBO at TANGA na kandidato !!!

Binay o Du30, Escudero o Marcos– Umiinit na ng husto mga dear readers ang bakbakan between Binay at Du30 at huwag kayo magtataka kung ang aking nabanggit ay Binay at Du30 lamang at Escudero o Marcos lamang sapagkat malaki pa rin ang tiwala ko sa sambayanang Pilipino na sa aking palagay ay hindi sila magpapalinlang sa isang kanidatong Kanong-Kano. Tunay na stetside na imported sa USA talaga, o sus ko Poe, ang aming dasal ay huwag niyo po payagan na mamuno sa amin ang isang oportunistang Amerikano. Huwag Poe sana o Mahal na Diyos ko Poe!

Naniniwala pa rin ako sa sambayanang Pilipino na makikita nila na itong si Grace Poe ay kulang pa ng residency requirements at hindi rin qualified dahil sa kanyang hindi pagiging natural born at lalung-lalo na nung kanyang inirenonunce ang kanyang Philippine citizenship at binawi lamang niya ito ng one (1) day bago siya maging MTRCB head.

Kung iisipin ninyo ay wala naman talagang malasakit at pagmamahal itong si Grace Poe sa bansang Pilipinas at na enganyo lamang siya nang maging numero unong senatong siya dala ng ibinoto siya ng mga bobotanteng este botanteng Pilipino sapagkat sikat ang kanyang ama na si FPJ. Alam naman ninyo na ang daming mga bahay sa amerika itong si Poe. Ang kanyang asawa ay pinanganak sa Amerika at lahat rin ng kanyang mga anak ay US Citizens.

Kaya ang mga korap na mahistrado ng Korte Suprema na lumapastangan sa ating Saligang Batas ay dapat lang na ma-impeach.

Kaya tiwala pa rin ako sa sambayanan na kapag kanilang naunawaan ang mga kadahilanan kung bakit hindi pa kuwalipikado si Poe na tumakbo para pangulo ay kanila itong ire-reject.

KUNG BAKIT KASI APURADONG –APURADO ITONG SI POE NA TUMAKBO EH BATA PA NAMAN SIYA IMBIS NA ANTAYIN NA LANG NIYA ANG SUSUNOD NA HALALAN 6 YEARS FROM NOW, BAKIT KAYA!?!?!

Kaya mga dear readers, bagama’t wala akong ineendorse sa mga sumusunod ay kung ako sa inyo ay pagpilian ninyo ang mga sumusunod: Binay o Du30, Escudero o Marcos.

####

Mga BOBO at TANGA na polpolitiko!!! – Talagang nakakatawa ang ibang mga kandidatong ang tapang ng kanilang apog at ang kakapal ng kanilang mga mukha na tumakbo para tongsehal, vice mayor o mayor at pagkatapos ay ipinaaalam nila sa buong sambayanan na wala silang pondo o sapat na pondo para mag-sagawa ng isang maganda at maayos na kampanya, marahil para makakuha sila ng simpatya sa kanilang mga supporters.

Bagama’t naiintindihan natin na karapatan ng kahit na sino man, mayaman o pulubi ka man na mag-nais na tatakbo at maging isang polpolitiko, ngunit ANG LAKI MO NAMANG TANGA kung tatakbo ka pa bagama’t alam mo naman na kailangan ng sapat na pondo para mag-sagawa ng isang maayos at successful na kampanya, eh di sa umpisa pa lamang ay nais mo nang gawing pagkakakitaan mo ng pera o propesyong pang diskita mo ang pagiging isang public official. Dapat ay gumawa ka muna ng salapi at magkalap ka muna ng sapat na pondo bago ka tatakbo. Unless, isa ka na sikat na personalidad o pangalan na hindi na kailangang magpakilala.

Kaya sa mga kandidatong ganyan na kahit na kakapirangut na ads man lang ay hindi ninyo mapagbigyan man lamang ang mga medyas este media ay bakit ako mag titiwala sa inyo eh sa umpisa pa lang ay PINAKITA NA NINYO ANG INYONG PAGKA BOBO AT KATANGAHAN sa pagtakbo. Bakit nakakita na ba kayo ng sundalo na pupunta sa giyera ng walang sapat na bala o dalang baril??? ANO KAYO SINISUWIRTI, GUSTO NINYO MAGKAROON NG POSISYON AT KAPANGYARIHAN AT PARA NA RIN MAKAPAG-KURAKOT KAYO NGUNIT AYAW NINYO MANGAPITAL NG SALAPI AS REQUIRED FOR TO RUN A SUCCESSFUL CAMPAIGN?! AGA-AMO TAYON!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages