Binay o DU30?

Matindi at mainit ang magiging bakbakan ng dalawang presidentiables na ito. Neck to neck, ika nga sa ngayon ang lumalabas na parating bukang bibig ng mga Juan dela Cruz. Magtanong po kayo sa mga taxi drivers, tricycle drivers, bus drivers at iba pa at ang parati ninyong maririnig ay si Binay at si DU30, at paminsan pinsan ay maririnig mo si Miriam at si Poe at kapag narining mo na mababanggit ang pangalan ni Mar Roxas ay kapag kanila itong minumura o sinasabing hinding hindi nila iboboto ang katarantaduhan na tuwad este tuwid na daan na yan ni Pangulong Penoy. Sabi nila malakas daw talaga si Binay sa mga probinsya at si DU30 naman malakas sa sarit-saring uri ng tao at pati na rin sa mga OFW.

Kayo po mga dear readers, sino sa dalawang ito ang sa tingin ninyo ang mas karapat-dapat? Ating ipagkompara ang the very obvious sa dalawang ito. Si Binay ay tanggap na ng sambayanan na isang hari ng korapsyon at marami raw nilimas at ninakaw sa kaban ng bayan, abot na raw sa bilyun-bilyong piso ngunit bilib sila kay Binay sa kanyang mga libreng pa –ospital, pa- aral, magagandang benepisyo sa mga senior citizens. Marami raw natulungan sa pabahay at tunay raw na malapit ang kanyang puso sa mahihrap. Ewan ko lang kung tunay nga ito na siya ay tunay na may malasakit sa mahihirap at mga dukha.

Eto namang si DU30 ay isang ganap na overrated na killer at mamamatay tao. I say overrated sapagkat marami sa mga napabalita kay DU30 na siya ay pumatay ng ganito at ganuon ay pawang mga image making na lang sa kanya at hindi tutuo ang lahat ng mga kwento at ang kanya mismong mga kwento ay mga exaggerated. Ito ay kunumpirma mismo sa akin ng isang Dabaweno na for the past 30 years ay nagtatrabaho para kay DU30. Oo at tunay na pinapapatay ni DU30 ang mga kriminal at mga police character at mga ibang sira ulong mga sindikato, ngunit yang ganyang istilo ay nauna pa si Kagalang –Galang na Roberto “Bobby” “Bungo” Ortega at ang mga iba pang matitinding mga law enforcers katulad ni Fred Lim at iba pa.

Ang tanong kay DU30 ay hanggang pagsugpo na lang ba siya ng kriminalidad? Eh paano ang korapsyon at ang ekonomiya ng bansa na napaka-importante sa pag-unlad ng sambayanan Pilipino? May magagawa kaya itong si DU30, sapagkat hindi parating tutuo na kapag may magandang peace and order sa isang lugar ay automatic na gaganda ang hanap buhay at ekonomiya ng lugar na iyon.

Kailangan ng magagarang economic policies at siyempre kelangan rin ng magagarang foreign policies and relations sa mga global foreign partners natin.

Isang nakababahalang bagay kay DU30 ay ang kanyang pagpapabor sa BBL kaya’t maraming nangangamba na lalong lalakas ang mga Islamic Jihadists sa Pilipinas kapag si DU30 ang mahalal

Isa namang pangamba kay Binay ay ang kanyang malambot at mukhang handa na siyang iurong ang stand ng gobyerno sa Spratleys laban sa mga intsik. Eto lang pong dalawang bagay na ito ang medyo mahirap isipin kung paano ba talaga ang magiging istilo at stand ng dalawang ito kapag sila ay naging pangulo.

Si DU30 pro BBL at pro Muslim samantalang si Binay naman ay malambot at player sa mga intsik.

IPANALANGIN NA LANG NATIN SA MAY KAPAL NA ANG MAGWAGI AY ANG SIYANG NARARAPAT PARA SA ATING MAHAL NA INANG BAYAN PARA SA IKAUUNLAD NG KABAYAN PILIPINO.

Mabuhay ang PINOY!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages