Blackmail, Extortion mauuwi sa Impeachment

Ano nga ba yung kasabihan sa Ingles na “Hell hath no fury like a woman scorned?” Para sa aking mga dear readers na hindi alam ang ibig sabihin nito ay simple lamang ito – ang ibig sabihin ay: ang katindihan ng impiyerno ay walang sinabi sa isang babaeng napahiya o tunay na nasaktan na nais bumawi. Yan po more or less ang translation sa Pilipino.

Ano at sino ba ang aking tinutukoy? Ito ay walang iba kung hindi si Patricia Bautista na asawa ni Comelec Chairman Andy Bautista na siyang inaakusahan na may tagong yaman (hidden wealth), ayon sa kanyang asawa na si Patricia na sa ngayon ay nasa witness protection program na. Nuong unang isiniwalat ni Patricia ang hinggil sa kanyang mister ay medyo nagsimpatya pa ako sa kanya, bagama’t nung narinig ko na ang panig ng kanyang mister ay mas panig na ako sa ngayon kay Chairman Andy Bautista. Bagama’t maraming nagsasabi na ito ay isang away mag-asawa at hindi na dapat ito naisiwalat sa publiko ay mayroon din silang punto ngunit mabuti na rin na ito ay naisiwalat ng magkaalaman na nga kung talagang mayroong tagong yaman itong si Chairman Andy. Sa aking palagay ay mahihirapan si Chairman Andy sa malaking diperensya sa deklarasyon ng kanyang SALN at ng mga pigurang binabanggit ni Patricia kaya sa aspetong ito ay malamang na tama itong si Patricia na tunay nga na may tagong yaman itong si Chairman Andy.

Bagama’t ito ay tagong yaman, hindi naman automatic na ito ay ill gotten wealth, magkaiba po yuon. Sa aspetong personal ay malinaw rin na sa unang lantad ni Patricia sa publiko sa kanyang presscon na siya ay mala-santi-santita at isang highly moral woman ang kanyang dating ngunit ay sa ngayon ay malinaw na isa itong malaking kalokohan, pagpanggap, at matinding drama ang kanyang isinagawa.

Sa aking pananaw, isa lamang siste na kaniyang nais na i-blackmail at maka-extort sa kanyang mister. Bakit ka’nyo? Malinaw na sa ngayon na nuong isang taon pa ay nagde-demand na itong si Patricia ng fifty percent o singkwenta porsiyento (50%) ng sinasabing tagong yaman sa kanyang mister sa halagang P600 million plus. Aba eh dito na nasira sa akin itong si Patricia sapagkat kung tunay na ayaw niya na mayroon siyang kinalaman sa posibleng ill gotten wealth ng kanyang asawa ay hindi siya dapat nag-demand through her lawyer ng ganoong kalaking halaga at dapat ay pinaubaya na lang niya sa korte na humusga kung magkano ba talaga ang dapat na makuha niyang parte sa estado nilang mag asawa. Eh nung hindi na pinagbigyan ni Chairman Andy si Patricia, aba, ayun na at mayroon ng mga panakot na siya ay mai-impeach at mae-expose at umiral na ng tuluyan ang kanyang pagka-gahaman, taksil at isang ruthless na babae. Talaga naman oo, kung sa korte nga ay mayroong isang kasabihan na “those who come to court should come with clean hands,” sa pagkakataong ito ay itong si Patricia ang siyang may bahid na ng isang extortionist at blackmailer. At ang kawawang si Chairman Andy sa ngayon ay nakatikim ng the wrath of a scorned woman.

Kaya kayong mga lalake, kapag may tagong yaman at humingi si Misis o X-Misis, aba eh bigay na agad at baka kung saan pa humantong ang takutan at blackmail at matulad kayo kay Chairman Andy. Hi! Hi! Hi!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages