Una sa lahat ay dapat na magparehistro sa COMELEC ang mga hindi rehistrado at sa September 30, 2021 na ang deadline. Ang ating dalangin ay ang mga kasapi ng Onjon Ni Ivadoy and the First Citizens Of Baguio City Organization (FCBCO) ay magkaisa at palakasin ang kanilang samahan, hikayatin ang mga iba’t ibang tribu para sa darating na halalan ay makapagsuporta ng isang karapat dapat na Mayor at Tongressman este Congressman. Huwag magpapadala sa ilang mga kontrabida na ang layunin ay pag-awayin ang inyong mga samahan with the sole intent and purpose of creating division that will lead to disunity na siguradong ang kahahantungan ay divide and rule. I-expose at patalsikin ninyo agad ang mga kontrabida. ANO PA INAANTAY NINYO!!!
# # # #
BLIND ITEM NO. 1 – Maraming mga kasalukuyang ispekulasyon na tatakbo daw ng pagka Mayor itong dating opisyal na ito na kilalang isang sikat na logger ng isang bundok kung saan first term pa lang niya bilang opisyal na mataas ang katungkulan ay nagsagawa na kaagad ng resort at pinagpuputol ang mga puno at tinambakan pa ng mga heavy equipment ang development sa bundok na yun. Katunayan ay nademanda pa ng Ombudsman ang kolokoy na ito at pati na ang tatlong kontratista na mga nagmamay-ari ng mga heavy equipment. Ano na kaya ang balita sa kolokoy na ito at ng kanyang mga kapwa akusado? Na-dismiss na kaya ang kanyang kaso? Naayos na kaya niya sa Ombadsman at sa Sandiganbayan? Laking pagkakamali kasi ng kasama namin na si Atty. Valeros nung pinagbigyan niyang maayos ang demanda sa kolokoy na ito sa IBP kung saan lumuwas pa galing Amerika ang complainant para harapin sa IBP itong kolokoy na ito dala ng kanyang panggagantso ng kanyang kliente. Ayon kay Atty. Valeros ay parang basang sisiw sa IBP na nakikiusap ang kolokoy na ito eh pinagbigyan naman ni Atty. Valeros dahil naawa siya kaya kanyang kinumbinse na lang ang kanyang kliente na iurong ang reklamo. BBBUUUUUWWWIIIISSSSSETTTTT! BIG BIG BIG MISTAKE ATTY. VALEROS. Dapat sana ay na-disbar na ang HINAYUPAK na ito. Afterall ang mga ganyang klaseng kandidato na walang paki sa kalikasan at lalung-lalo ng walang paki sa kanyang signed commitment at walang halaga ang salita niya ay hindi na dapat maging isang elected official, bagamat pwede naman kung brgy tanod ang kanyang nanaisin, ok lang at appointed naman mga yan. Hi! Hi! Hi! Kilala niyo na ba kung sino ang aking tinutukoy???
# # # #
BLIND ITEM NO. 2 – Pangalawang ispekulasyon ay tatakbo muli itong si God Father (THE MAN) para sa isang mataas na posisyon. Kung sabagay pagdating sa dami ng lupain ng tao na ito mula pa lang sa mga galing sa mga ancestral land claimants ay bilyonaryo na itong kumag na ito. Hindi pa kasama mga ari-arian niya sa broad. Magaling lumaro itong kumag na ito, master showman talaga at late na nga ng ma-realize ng kanyang partner in crime for all those years na ginamit lang siya ng lubus-lubusan at sa bandang huli ay nilalaglag lamang siya. In fact dalawang beses nilaglag itong kanyang partner in crime just like a hot potato (it actually could have been more than 2 times). Ang siste ni kumag ay harap-harapan niyang ine-endorse at ikinakampanya sa publiko ang kanyang ka-tandem ngunit patagilid at pailalim ang galaw ng kanyang mga bataan na iba naman ang timbre sa mga iba’t ibang lider na huwag dalhin ang kanyang ka-tandem at ang dalhin ay ang ibang kandidato (SUPER GALING ANG TAO NA ITO). Matindi ang tao na ito tsong! Nuong araw ay parati niyang ginagamit bilang front ang kanynag biyenan. O nga pala , ilang taon na kaya ang anak ni politikong matulis na ito sa isang department head? Sana huwag ka nang tumakbo Mr. Showman kung hindi ay mapipilitan kaming ilabas ang lahat ng baho mo (hidden wealth) na hindi pa namin nailalabas. Hi! Hi! Hi! Kilala niyo na ba kung sino ang aking tinutukoy??? NALPAS!!!
# # # #
Sa susunod na kolum ko ay itsi-tsimiss o iba-blind item natin ang iba pa na mga magagaling na opisyales (kahi na padala-dalawa kada kolum). Sa totoo lang ay hindi tayo mauubusan ng mga subject hanggat eleksyon sa dami ng mga skeletons hidden in the closets ng mga nagmamalinis na mga IPOKRITONG MGA ITO!!!