CCTV sa BOC for Public Viewing – KALOKOHAN! Pangulong Marcos dapat sa LNB!

Pangulong Marcos dapat sa Libingan ng mga Bayani- Talaga naman itong mga kumokontra na mailibing ang aking idol na si The One, The Only Greatest President this country has ever had, the Great Apo Ferdinand Marcos. Walang sinumang Pangulo ang aabot sa kalahati ng galing ni Apo. Kung sabagay, ako ay isang tunay na Ilocano from Ilocos Sur at sa amin ay si Apo ang The One and Only at wala ng iba. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay ang katwiran ng mga kumukontra at hindi pabor sa paglibing kay Apo sa Libingan ng mga Bayani. Eh, kung ang isang AVSECOM na secutiry german shepherd na aso ay nakalibing doon, eh bakit naman hindi pu-puwede ang isang former President and former Philippine Military Officer? Kung sabagay ay 20 days lang naman ang binigay na temporary restraining order, at sa aking pagkakaalam ay after 20 days ay maililibing na siya dun. Ako ay naniniwala na kelangan na ng mga miyembro ng kultong dilaw at mga iba pa na mga kontrabida na aminin at tanggapin na si Apo Macoy ay napakaraming nagawanag mabuti para sa bayan natin at kung aking iisa-isahin ay kulang ang lahat ng espasyo ng buong pahayagang ito. Hindi po ba mga dear readers? Kaya tayo nagkakagulo-gulo at watak watak, ay sapagkat hindi makapag-move on ang maraming mga kasapi sa kultong dilaw at mga nag-gagaling galingan na kumokontra ng wala naman sapat na dahilan. O sya , sya, sige na at move on na kayo at nakita naman ninyo na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi that it is President Marcos’ right to be buried at the Libingan ng mga Bayani as he was a former president and soldier. PERIOD!!!

####

CCTV sa BOC for Public Viewing -ISANG MALAKING KALOKOHAN- Ano ba naman itong malaking katarantaduhan na ito??? Ano ngayon kung mapapanood ng publiko ang mga CCTV sa loob ng opisina ng commissioner at ibang opisina sa ng Bureau of Customs (BOC)? Bakit po ba, ang mga lagayan at under-the-table deals ay lantaran ba na isinasagawa, sa harap ng CCTV?? Kaya nga tinawag na under the table o sa ilalim ng lamesa, maglagay ka ng CCTV sa ilalim ng lamesa! Ano ba akala ninyo sa mga Pilipino? Na ganuon tayo ka-TANGA at ka-GUNGGONG? Ikaw talaga Commissioner Faeldon, para kang hindi isang AYER sa mga suhestiyon at panukala mo na NONSENSE! Magkano nga ba ang mga CCTV na yan at baka kasing presyo yan ng mga ikinabit sa NAIA na nagkakahalaga daw ng daan-daang libo isang piraso (hanep sa overprice walang tatalo, yan ang Pinoy!!!).

Sa totoo lang ay walang makikita sa CCTV kung hindi puros good things, ngunit ang talamak na katiwalian ay isinasagawa sa isang lugar na walang CCTV or through electronic ways at ang problema kadalasan ay ang struktura at proseso na pumapalibot sa mga sistema ng inyong operasyon na anjan, kaya kahit na pati kobeta ay lagyan mo ng CCTV ay walang deterrent effect or preventive effect yan sa corruption.

Ikaw talaga Faeldon, ano kala mo sa lahat ng Pilipino TANGA???

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages