Charter Change wala daw consultation – Totoo ba ang ating nakalap mula sa maraming mga katutubo (IP) na naka base sa siyudad ng Baguio na hindi man lang sila nakonsulta hinggil sa ipinapa lusot na isang pagbabago ng charter ng siyudad (Charter Change) kung saan ay direktang maaapektuhan ang mga sinasabing ancestral lands sa siyudad ng Baguio? Kung inyong matatandaan ay sinubukan na ni dating Tongressman este Congressman “Mount Sto Tomas (MST)” Aliping na baguhin ang charter ng siyudad ngunit ito ay na veto ni dating Pangulong Pnoy, kung bakit hindi pinalusot ni Presidente Pnoy ay hindi ko na alam. Ngayon eto namang itong si Cong. Mark “Masanting” Go na nagsusulong ng isang charter change na diumano ay hindi naman kinonsulta ang isang malaking stakeholder na katulad ng mga katutubo (IP) samantalang mayroong mga maseselan na mga probisyon na makaka-apekto sa mga ancestral land claims nila. Nakakataka naman kung paano na-approve sa Tongreso este Kongreso ang nang walang kinaukulang konsultasyon! Paano kaya nakalusot ito Cong. Go??? Ganon ba talaga kalakas itong si Cong. Go? Mabuti na lamang at naagapan at nakapag-file pa ng oposisyon (Position Paper) ang grupong Onjon Ni Ivadoy at ang First Citizens of Baguio City Organization (FCBCO) sa kinaukulan Komite ni Senatong este Senator Francis Tolentino ng Senado. Ikaw talaga Cong. Go akala ko pa naman na all inclusive, transparent at malawakan ang iyong istayl ng konsultasyon, yuon pala ay anemic at selective lamang ang iyong kinakausap. Tsk! Tsk! Tsk! Bolang!
####
Magparehistro – sayang ang inyong boto – Sa darating na alaksyon este eleksyon sa taong 2022 ay NAPAKA-IMPORTANTE sa kasaysayan ng ating siyudad at bansa. Kung kayo ay hindi pa nakapag-parehistro, o di kaya ay nag-expire na ang inyong rehistro, PLS! PLS! PLS! dumulog na kayo agad sa tanggapan ng COMELEC at magpa-rehistro na at hanggang September 30 lang ang last day for registration. Kung mayroon sa inyong mga kaibigan, kapamilya at iba pa na alam ninyo na hindi pa rehistrado PLS! PLS! PLS! ay hikayatin ninyo sila na magpa-rehistro. Kung kailangan na sunduin ninyo sila at ihatid ninyo sila, iserbis ninyo sila ay gawin ninyo dahil napakahalaga ng kanilang boto sa darating na Halalan 2022. Mayroon diyan nakasanayan ng gawain na tuwing malapit na ang eleksyon ay dumarating na ang 2 to 3 na bus ng kanilang mga hakot mula sa baba at kanila itong ipapaboto, mga sinasabing botanteng mababa ang lipad este flying voters. Ang tamaan huwag magagalit at sana ay hindi na ninyo magawa sa darating na halalan. PWWEEEEEEE…!!!