D natin kelangan ang AID ng EU – Bakit naman natin kekelanganin ang AID mula sa European Union o EU? Bakit tayo ba ay isang bansang mahilig sa libre at sa palimos? Hindi ba at first world country naman tayo? Bakit natin kekelanganin ang AID mula sa EU eh sa dami na nga ng may HIV sa ating bansa (nasa 30 cases a day daw ang nagkakaroon ng HIV) eh marami sa mga yan ay magiging AIDs rin, kaya sa tutuo lang ay marami na tayong AID at hindi na natin kelangan ng AID mula sa EU at sa US! Ngunit kung ang AID ay manggagaling sa China o Russia, ito ay most welcome. Hi! Hi! Hi! Kaya kung AID ang pag-uusapan ay mas mabuti na lang na wala ng pag-uusapan sapagkat mas mainam ang loan o yung utang. Alam naman ninyo mga dear readers na wala naman talagang AID na unconditional o yung AID na walang kondisyones.
Katulad sa kasalukuyang pagkakaton, mag-bibigay sila ng AID pero ang kapalit naman ay wala ng papatayin na mga drug users, drug pushers, collateral damage etc…, at wala na ring EJK. Aba eh pwidi ba yun? Hindi yan pwidi. No AID but more EJK, ‘yan ang pangunahing stratehiya para sugpuin ang drug problem.
The operative word is KILL, KILL, KILL. Kaya kayong mga human rights advocates, manahimik na kayo at baka mapugutan kayo ng ulo. Ito ay ayon kay mahal na haring Dutirti. Hi! Hi! Hi!
O ngayon, ipagpalagay na natin na ang kondisyones ng China para pautangin tayo ay ipamigay na natin ang spratlys etc.., eh ano ang masama dun, tutal naman katulad ng sabi ni haring Dutirti ay hindi natin kayang labanan ang China. O, di ba tama si Haring Dutirti. Hi! Hi! Hi ! Bow.
Mabuhay ka Mahal Na Hari!!
####
PI dapat maging probinsya ng China – Ano ba ang masama kung ang Pilipinas ay maging isang probinsiya o teritoryo ng China? Katulad halimbawa ng Hong Kong? Isipin na lang ninyo mga dera readers na hindi na natin kailangan pa kumuha ng Visa kung pupunta tayo sa mainland (China). Matitikman na natin ang the real and authentic Chinese Food at hindi na lang tayo parating siopao, siomai, lumpiang shanghai at pansit canton. Aba eh, mapaparami ang Peking Duck at iba pa. Hi! Hi! Hi!
Bagama’t mayroon pa ring korapsyon sa China, mismong sa communist party ay mahigpit ang mga batas nila sa korapsyon kaya siguradong tigok ang halos lahat ng mga Senador at tongressmen sapagkat sila ang unang bibitayin. Isn’t that such a nice and wonderful thought? Unang bibitayin ang mga matatakaw na opisyales na korap sa gobyerno.
Katulad ng sinulat ko noong nakaraan kong kolum na pinag-aaralan ko kung magsasagawa ako ng isang petisyon na hihilingin natin sa China na maging isang probinsiya tayo ng China para ang tawag sa atin ay Philippine lslands a Province of the Republic of China. Kalimutan na yang Federalism na yan KALOKOHAN YAN HINDI YAN OOBRA AT DADAMI LANG ANG MGA LITTLE HAR-HARIAN NA UBOD ANG KORAP. Ang sigaw dapat ay we want to be a part of China, tutal hindi naman na magtatagal at magiging number 1 super power ang China.