Dating Congressman Vergara at iba pa
may kilaman daw sa pagnakaw ng mga balota?!?
March 21, 2015
Nang lumabas ang balitang ito sa national TV sa ABS-CBN ay kamuntik na akong mahulog sa aking upuan nung idawit ang pangalan ni kagalang-galang na tongressman este Congressman Bernardo M. Vergara at pati na rin ang kanyang Public Relations (PR) man na isang nagngangalan Ferdie Balanag. Itong si Ferdie Balanag na ito ay hindi ko kilala, ngunit ipinabalita at ikinuwento sa akin na ito raw si Ferdie na ito ay isa raw tanyag na TH Film Director. Ang na meet ko na ay ang kanyang ama na si kagalang-galang na Feberico Balanag ng BARP . Sa ngayon, ay hindi ko na muna gustong bigyan ng komentaryo ang hingil sa merito at detalye ng reklamo hingil sa kanila, bagamat nabasa ko na ng kabuuan ang dalawang affidavit mula kay (Worthy Acosta at kay Sixto S. Brillantes –dating COMELEC Chairman) ngunit aantayin ko muna ang kasagutan ng mga na aakusahan hingil sa isyu na ito. Ngunit kung mayroon katotohanan ang nakasaad sa affidavit ay isang matinding KABASTUSAN sa ating lahat ang nangyari, sapagkat, pinkaiingat-ingatan natin ang balota hangang sa punto na ibibigay pa natin ang buhay natin tuwing halalan para lamang mabantayan ang pagka sagrado ng balota at pagkatapos ay basta basta na lang yayarukin at wawalanghiyain ang balota ng ganoon ganon na lang !?!? Ngunit sa kabilang dako ay hindi ko talaga maisip na may kinalaman itong si dating Congressman Apo Bernie sa ganitong istilo ng oplan (DT or Dukot at Tamper) kunng sn mismong bataan pa niya na si Ferdie ang siyang kasama sa dukutan ng balota. Hay! Yay! Yay ! Yay! ANO BA NAMAN KLASENG KATARANTADUHAN ITO ??? Sa ngayon ay nais kong manawagan sa COMELEC at akin din susulatan ang COMELEC sa ngalan ng Linis Gobyerno kung saan ako ang Director for Anti Graft and Corrupt Practies na kung maaari ay RESOLBAHIN na nang agaran ang nasabing isyu ng hindi na magamit na election issue sa darating na halalan at ayon sa ating mga taga balita ay tatakbo daw muli itong si Apo Bernie as tongressman este Congressman . Eh di kung buhay pa ang reklamo na ito sa panahon ng halalan ay tiyak na magagamit ito as negative propaganda laban sa kanya. Kayo mga dear readers, ano sa palagay ninyo, may kinalaman kaya itong si Apo Bernie sa akusasyon ng pagnanakaw at tampering of ballots? ABANGAN ANG MGA SUSUNOD NA KABANATA HINGIL SA ISYU NA ITO, AT MAKA AASA KAYO NA UNA NINYONG MABABASA ANG MGA MAIINIT NA DETALYE NA WALANG PRENO SA PAHAYAGAN NA ITO AT SA KOLUM NG INYONG LINGKOD. Mabuhay Po Tayong Lahat !!!