Di lulubayan ni Digong si De5 habang ginagawa tayong TANGA!

Ano ba namang sari-saring zarzuela o moro-moro itong ating nakikita sa kasalukuyan. Mukhang talagang pinepersonal ni Pangulong Digong itong si Senadora De5, at kung bakit kaya niya pinepersonal, yan ang million-dollar question na aking kokomentaryohan. Basta siyempre ito ay haka-haka lamang. At least ako ay nagsasabi na haka-haka lamang at hindi ko pinalalabas na A-1 info ito, hindi katulad ng kalimitang nakikita natin sa kasalukuyang mga info na lumalabas mula sa bunganga ng ating mahal na Pangulong Digong.

Tunay na katawa–tawa ang diumano daw na mga deposit slip sa BDO sa account ng isang Bogs Obuyes na isa raw na dating staff ni Senadora De5 mula pa nung siya ay nasa CHR. Base sa mga katawa-tawang mga BDO deposit slip na inilabas, ay milyones daw ang idinideposit sa account ng babaeng ito. Oh, by the way, ang tunay na pangalan ni Bogs ay Edna. Kung sabagay maari sigurong gumamit ng fake na birth certificate at fake IDs itong si Bogs este Edna para lamang maka open siya ng account gamit ang pangalan na Bogs. Oo nga naman ano, ganyan nga katanga ang mga taga BDO at basta-basta ka na lang makaka-open ng account sa kanila gamit ang isang alias. Paki subukan nga ninyo mga dear readers kung kaya ninyo maka-open ng isang bank account sa BDO na gamit ang fake na pangalan??? Ang masaklap dito ay hindi natin maku-kompirma kung totoo nga na may mga milyones na pumasok sa account na ito, assuming that the account is existing, sapagkat may bank secrecy laws.

Naalala naman ninyo ba ang mga milyones o bilyones daw ni Digong sa BPI? Wala naman talagang makakaalam kung mayroon nga ba ito o wala.

Ngunit hindi pa ito ang tunay na katawa-tawa. Sa mga scenario na ito, ang mas nakakatawa ay ang ginawa nilang isang tanga itong si Senadora De5 na kung saan uutusan pa niya mismo ang isa sa kanyang mga staff na mag-deposit ng milyones sa account ng kanyang staff at duon pa mismo sa opisina niya sa DOJ nag-mumula ang kwalta o kung saan man galing ang kwalta na suhol sa kanya at tauhan pa niya mismo ang siyang nag-dedeposit sa account ng kapwa tauhan din. Hi! Hi! Hi! Siguro masyadong busy ang mga drug lord at ang kanilang mga bataan ng mga drug lord at hindi nila magawa mismo na sila na ang magdeposit sa account ni Delima o ng kanyang mga alipores???

Hay naku buhay nga naman, alanghiya naman and mga scriptwriters mo mahal na pangulo, ginagawa namang masyadong TANGA MGA PILIPINO. Tunay na ISANG KWENTONG %$#@*&)9^%$8!yong !!!. BOW. PERIOD!!! Kumuha ka naman ng magaling-galing na scriptwriters!

#####

Sa aspeto naman kung bakit lumalabas na pinag-iinitan at pinepersonal ng ating mahal na Pangulong Digong itong si Senadora De5 at ginagamit lamang na dahilan ang droga para sa ganoon ay i-frame up at iset-up itong si Senadora. Ang aking naiisip ay ang tatlong posibleng sumusunod na dahilan:

1.Nanligaw noong araw itong si Digong kay Senadora noong nasa CHR o DOJ Sec pa siya, eh , binasted ni Delima at sa halip ay driber niya ang kanyang pinatulan kaya ayan, nagtanim na ng sama ng loob si Pangulong Digong. Sabi siguro ni Digong nung binasted siya ni Delima, may araw ka rin. Kaya ayan Delima, ito na ngayon ang araw mo!!!

2.Nagsama-sama ang mga fans ni Delima at nag kalap sila at nag-organisa ng “Patay Kang Delima Fund” para magamit sa pagpapatalsik at pag frame-up and set-up kay Senadora. Alam naman natin ang unang number 1 fans ni Senadora ay si dating pangulong GMA at ang mga iba pang fans ni Senadora na sina Sen. Juan Ponce Enrile at kanyang kalaguyo na kasalukuyang nakakulong pa hanggang sa ngayon na si Atty. Reyes, at ang mga ka-tropa ni Senadora na mga fans rin niya na sina Sen. Revilla, Sen. Estrada, Janette Napoles, mga dating director ng NBI na nasibak at marami pa sigurong iba na puros fans and supporters ni Senadora. Eh kung titingnan natin, base pa lamang sa mga principal fans ni Senadora na sina GMA, JPE, BR, JE, JN, sa lima lang na ito ay Bilyones na ang kanilang maipupundar para sa “Patay Kang Delima Fund.” Ang tanong ngayon ay, kanino mapupunta ang fund na ito? Eh di siyempre alam na ninyo, gamitin ninyo mga utak ninyo at huwag kayong TATANGA-TANGA mga dear readers.

3.Pangatlong posibleng dahilan at pinakamababaw sa aking palagay ay dahil nung hepe ng CHR si De5 ay kanyang pina-imbistigahan si Digong for numerous human rights violations at base sa ating nakikita ay mukhang nagtanim na ng galit itong si Digong.

Ngunit sa aking palagay ay ang pangalawang dahilan na aking nabangit ang tunay na dahilan ng nakikita natin na PERSECUTION ni Senador De5.

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages