Doktor pinatay, bakit???

Doctor Dreyfus Perlas, isa sa mga doctor to the barrios na pinili ang manilbihan sa Lanao del Sur kung saan kung tutuusin ay pupuwede siyang magtrabaho sa isang tanyag na ospital at kumita ng limpak-limpak (milyones) na salapi ay mas ginusto pa niyang magtrabaho sa isang malayo at mahirap na lugar para manilbihan sa kanyang mga kababayan na mahihirap. Sa tutuo lang sa aking panananaw ay mga tunay na living heroes ang lahat ng mga health workers na naninilbihan sa ating mga kababayang mahihirap at lalung-lalo na ang mga doctors to the barrios. SALUDO AKO SA INYO at MABUHAY PO KAYONG LAHAT!!!

Ang mga katanungan ngayon hinggil sa kanyang pagpaslang (siya ay binaril sa likod habang naglalakad) ay ganito. Sino at bakit kaya siya pinatay? Sa aking pagkakaalam ay maging sa isang digmaaan ay hindi binabaril o exempted sa bala ang mga doktor, sapagkat ang mga doktor ay neutral sa isang digmaan o giyera at tungkulin nila na manggamot ng kahit na sinong tao, maging sundalo ng gobyerno, rebelde at kahit na terorista pa na abu sayyaf ay dapat nilang bigyan ng kanilang serbisyong medikal kung nararapat.

Kaya tunay na nakalulungkot ang ganitong balita kiung saan ang isang doctor to the barrios na kailangan na kailangan sa mga barrio at kadalasan ay sila pa nga ay mahal na mahal ng kanilang mga constituents (mamamayan) ay mapapaslang sa isang pamamaraan (binaril sa likod) na tunay na karumal-dumal at kaduda-duda.

Nang aking malaman ang napakasamang balita na ito ay agad kong naisip at pinalangin na wala naman sanang kinalaman ang tokhang at mistaken identity dito sa insidente na ito. Wala naman sanang kinalaman ang ating mga PNP sa pagpaslang sa doktor na ito. Wag naman sanang masama as one of those collateral damage ang pagakapatay sa doctor na ito!!!

Mr. President Digong and Cheap este Chief PNP Bato, lutasin ninyo sa agarang panahon ang krimen na ito ng walang cover-up kahit na ang resulta ng imbestigasyon ay involved na naman ang inyong kapuklisan o ano mang ahensiya o opisina ng gobyerno. Tunay nanakalulungklot ang mga ganitong pangyayari na sana ay hindi basta-basta babalewalain ni Digong ang pangyayari na ito.

Hay naku, ano nga ba ang nangyari sa ating bansa mula ng maupo ang inyong mahal na presidente?

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages