Sabi ni Digong ala na pag-as marehab mga adik-adik – Ibang klase rin talaga itong ating Pangulong Digong kung saan nabasa ko sa balita na kanyang sinabi na ang mga mahihirap na mga adik sa Tondo ay wala nang pag-asang ma-rehab at ang karamihan o ang lahat sa kanila ay tumutulak rin ng droga o nag-aaya ng kasama para ma-sustain ang kanilang mga addiction. Sabi pa ni Pangulong Digong na unless sila ay kasama sa angkan ng mga Ayala o Gokongwei ay wala nang pag-asang ma-rehab ang mga ‘yan kaya mabuti na nga lang na todasin na lang sila.
‘Yan si Pres Digong, ang tunay na kamay na bakal. Hindi lang siya abogado kung hindi isa rin siyang tanyag at expert na Psychologist Specialist, Psychiatrist Specialist, Social Scientist, Military Expert etc…etc. Hi! Hi! Hi! Malinaw ang mensahe ng ating mahal na Pangulo na kung ikaw ay pobre ay wala ka nang pag-asang ma-rehabilitate ngunit kung big time ka ay OK lang at may pag-asa kang gumaling. Clap! Clap! Clap!
ATTENTION MGA PNP AT IBA PA NA MGA LAW ENFORCERS, PARATING MAG-DALA NG LIBU-LIBONG BALA PARA MAKASIGURO NA HINDI KAYO MAUBUSAN SA DAMI NG INYONG SA-SALVAGIN este PAPATAYIN.
Remember ang pronouncements ni Mahal na Pangulong Digong katulad halimbawa sa mga drug lords etc… ay “shoot on site,” ibig sabihin ay kapag nakita ninyo ang suspect ay todasin na ninyo agad kahit na sumusurender sapagkat kayo ay mayroon ng mga license to kill. Isang bagay lang ang nakikita ko dito na tunay na nakalulungkot ay ang MGA INOSENTENG napapaslang. Sisiguraduhin ko na may buweltang matindi ang sasapitin ng mga pumapaslang ng mga inosente kasama na rin ang mastermind ng mga pamamaslang na ang ating mahal na Pangulong Digong. TUNAY NA TALAGA NA IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES!!!
####
ENDO pinaka marami sa gobyerno – Talaga naman, hanga ako sa pagiging isang matinding komedyante nang ating mahal na Pangulong Digong! Bakit ‘ka ninyo? Kitang kita natin kung papaano niya pagbantaan at winarningan ang mga employer ng endo sa private sector na sila ay mananagot at hindi na irerenew ang kanilang mga lisensya kung hindi nila titigilan ang endo, samantalang ang gobyerbno mismo ang siyang pinakamalaking employer na sumasagawa ng endo. Hi! Hi! Hi! Ayon sa mga news reports, ang gobyerno ay kasalukuyang mayroong humigit-kumulang 1.5 million na mga naka-endo o yung mga sinasabing mga naka job order etc… Paaano na ito Mr. President? Dapat ay ayusin mo muna ang iyong bakuran bago mo silipin ang bakuran ng iba. Tama po ba Mr. President? Patigilin muna ninyo ang endo sa gobyerno ng paniniwalaan ka ng mga private employers. Hi! Hi! Hi!