Espinosa malinaw na EJK sa loob ng bilanggo!!!

Ano ba naman itong mga tropa ng CIDG sa Region 8?! Ano ba namang klaseng kabalbalan at kahibangan itong kanilang ginawa?! How much, how much, siguradong kasyang-kasya na pang-retirement ano???

Ang tanong lamang dito ay ito ba ay sanctioned ni Du30 at ni Chief Bato o sadyang binaypass si Chief Bato at ginawa nilang inutil itong si Chief PNP Bato habang nanonood ng boksing sa Las Vegas? Malinaw na pinapaboran o pinag-tatakpan pa nga ni Du30 ang mga ginawa ng CIDG samantalang malinaw naman na isang rub out o EJK ang naisagawang operasyon na ang layunin sa simula’t sapol ay katayin si Espinosa! Saan ka ba naman nakakita ng tumatawag na ng SOCO na wala pang naisasagawang operasyon? Onli in da pilipins!!!

Tunay na nakalulungkot ang ganitong mga pangyayari kung saan ang isang bilangguan (jail) kung saan supposed to be na naka-secure ang isang high-value witness ay kayang-kaya pa nilang babuyin at balewalain. Bagama’t kung inyong iisipin, ito ay government sanctioned at ang hindi ko lang alam ay kung sino sa gobyerno ang nag-bigay ng go signal para todasin si Espinosa. Sa aking palagay ay maaring si Du30, Chief Bato o si DOJ Sec Aguirre, isa sa kanilang tatlo o lahat mismo sila ang nakakaalam sa isasagawang EJK. Obvious naman, hindi po ba mga dear readers?

Huwag na tayong mag-lokohan at masyado naman nilang ginagawang tanga ang sambayanan Pilipino. Ang mas mabuti na kanilang gawin ay aminin at sabihin na lang nila na pinatodas nila si Espinosa for so and so reasons. Sigurado ko na hindi isa sa mga nadawit sa affidavit ni Espinosa ang nagpakatay sa kanya sapagkat bale wala naman kung tutuusin ninyo ang affidavit ni Espinosa sapagkat ang kanyang affidavit ay hearsay lamang at mahina at hindi naman first hand with corroborating testimony.

Kaya, kapag inyong inanalyze ay mas mainam pa na makatay si Espinosa imbisna manatili siyang buhay. Nagawa na niya ang kanyang papel na idawit ang maraming mga inosenteng tao na marahil ay mga kalaban sa politika katulad ni Mr. & Mrs. Richard Gomez. Ang kawawa ay ang mga kanyang nadawit kung saan mananatiling palaisipan na lamang ang mga pangalan na kanyang binangit at isinabit, bagamat hindi na mapapatunayan na sila nga ay patong o protector ng droga at mananatili ang duda sa isipan ng marami na nakarinig na nadawit ang kanilang pangalan na posibleng sila nga ay involved sa droga.

Samantalang kung mananatiling buhay si Espinosa ay maaari pa siyang bumaliktad o mag recant in the future.

Talaga naman itong gobyerno ni Du30, mukhang ipinapairal niya ang kanyang sinabi na nuong siya ay piskal ay sanay sila mag tanim ng intriga, ebidensiya etc… sa mga akusado!!!

Nagawa na ni Espinosa ang kanyang misyon – SOW INTRIGUES! Ngayon, aabangan ba natin ang CREATE OR PLANT EVIDENCE?!

Tunay ng ibinasura na ang human rights sa ating bansa.

Tsk! Tsk! Tsk! AGA-AMO TAYON!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages