LIFE’S INSPIRATIONS: “… Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan at dugo ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili. Iyan ang dahilan kung bakit mahihina at sakitin ang marami sa inyo, at may ilan ngang namatay na…” (1 Corinto 11:29-30, Bibliya).
-ooo-
FAST FOOD, NAKAMAMATAY! Kumakain pa ba kayo ng mga fast food—o yung mga pagkain na ipinagbibili sa mga fast food chains? Magdalang-babala po kayo. O di kaya, ang mas mabuti, tigilan na ninyo ang pagkain ng fast food, tigilan na ninyo ang kumain sa mga fast food chains. Bakit? Kasi sabi ng mga medical experts, itong mga pagkaing ito ay papatay sa inyo, dahil bibigyan kayo ng mga ito ng hypertension, o delikadong pagtaas ng blood pressure.
Ayon sa isang ulat sa media, ang mga duktor ng International Society of Hypertension (ISH) at ng Philippine Society of Hypertension (PSH) ay nagsasabing ang mga fast food restaurants ay kadalasang nagbebenta ng mga “high fat, high salt food”—o mga pagkaing sobra ang taba at sobra ang sin—na nakakapagbigay ng hypertension kahit sa mga bata.
Sa paliwanag ni Dr. Ramon Castillo, past president ng PSH at ngayon ay kasapi ng ISH, ang mga taong may hypertension ay gaya ng “walking time bombs”—o mga bombang naglalakad—dahil anumang oras ay maaari silang sumabog sanhi ng mga kumplikasyon mula sa massive stroke, acute myocardial infraction, o biglaang kamatayan bunga ng atake sa puso.
-ooo-
“SOBRA ANG KINAKAIN NATING ASIN, TABA, AT CALORIES”: Sa kabilang dako, sinabi naman ni Dr. Neil Poulter, ang pangulo ng ISH, na “sobra ang kinakain nating asin, taba, at calories.” Ito ang dahilan kung bakit ang high blood pressure ang siya na ngayong pinakamatinding dahilan ng kamatayan ng marami sa daigdig, kung saan 9.4 milyong katao ang namamatay taon-taon, dagdag ni Poulter.
Sa Pilipinas, ipinakikita ng medical records na isa sa apat na Pilipino ang may hypertension, o nakakamatay na high blood pressure. Ito ang dahilan, ayon sa mga medical experts, kaya kailangan ng ating mga kababayan na magpalit ng kanilang ugali sa pagkain, upang makaiwas sila sa sobrang asin, taba, at calories.
Ganundin, dapat ding magbago ang estilo ng buhay ng mga Pilipino—mula sa walang ehersisyo sa ngayon, tungo sa ma-ehersisyong buhay. Isa din sa mga mahahalagang payo ay ang pag-iwas ng mga tao sa sobrang paggamit ng kanilang mga gadgets at tablets, na siyang dahilan kaya di sila kumikilos ng matagal na panahon sa loob ng isang araw.
-ooo-
KATAWAN AT DUGO NI KRISTO SA PAGKAIN AT INUMIN: Sa hanay naman ng mga kasapi ng Simbahang Anak ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK, ang simbahang sa Pilipinas itinatag), kailangan ding magkaroon ng puspusang pagsunod ang mga tao sa mga simpleng kautusan sa Bibliya ukol sa kung papaanong magiging malusog ang mga pagkain at inumin natin sa araw-araw.
Ang isa sa mga kautusang ito ay makikita sa 1 Corinto 11:23-30. Ayon sa mga bersikulong ito, kung tayo ay kakain o iinom, dapat nating laging alalahanin ang katawan at dugo ni Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na Siya ding Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, na ibinigay sa sanlibutan upang mapatawad ang ating mga kasalanan, mabayaran ang kaparusahan para sa mga kasalanan, at masigurado ang ating buhay sa Paraiso.
Dapat gayahin ng lahat ang ginagawa ng mga kasapi ng AND KNK: itinataas nila ang kanilang mga kamay sa mga pagkain at inumin, pinasasalamatan nila si Jesus sa mga pagpapalang ito, at hinihingi, sa Pangalan Ni Jesus, na ang kanilang pagkain at inumin ay maging katawan at dugo ni Jesus, bilang pagkilala ng Kanyang pagliligtas sa atin!
-ooo-
ANG TANGING DAAN”, “KAKAMPI MO ANG BATAS”, SA FB LIVE: Panoorin po: “Ang Tanging Daan”, isang Bible Exposition at prayer session sa www.facebook.com/angtangingdaan, at “Kakampi Mo Ang Batas”, isang libreng konsultasyon sa mga problemang legal, sa www.facebook.com/kakampimoangbatas. Reaksiyon: 0917 984 24 68, 0918 574 0193, 0977 805 9058. Email: batasmauricio@yahoo.com.#