Wala talaga akong masabi sa kasikatan ng GoMoBil! Tingnan po ninyo, kapag ginoogle ninyo ang gomobil ang lalabas ay isang telecom company [http://www.gomobil.cz/] sa Czech Republic (saang bansa yan)? Ang Gomobil ay isang Czech company at ang kulay nila ay katulad din ng Gomobil dito ng tatlong sikat na kandidato. What a coincidence kung sabihin nila. Pero sa palagay ko itong Czech company na ito ang kumopya at nagsagawa ng copyright infringement sa pangalan at kulay ng the Very Original GoMoBil.
Matanong ko nga lang. Ano ba yung iGOrotak na mga poster ni Mark Go? Ano ba ang ibig sabihin ni Mark Go dun? Na siya ay Igorot? Alam naman nating lahat ang kasagutan sa tanong na yan – na si Mark Go ay isang Tarlaqueno at hindi Igorot. Dapat sana ay maging proud si Mark Go na ipinanganak siya sa Tarlac. Wala namang masama dun at isang napaka-sikat at maunlad na lugar ang Tarlac at talo pa nga ng Tarlac ang Cordillera pag dating sa economic progress. Biro, mo ang mga Aquino ay mga Tarlaqueno! Mr. Go, huwag po sana ninyo kalilimutan ang sinabi ni pambansang bayani na si Jose Rizal na “ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay may stiff neck, este hindi makararating sa kanyang paroroonan,” and of course kung mayroon ka ring mga kamag-anak sa China ay lalung-lalo ng dapat ay proud na proud ka sapagkat nakuha na nga ng mga Chekwa ang Spratleys, Mischief Reef, etc. Tama ba aking sabi misteh Mak Goh? Kaya dapat sana, kung maisa-suggest ko lang, sa ibang mga posters ni Mark Go, imbisna IGorotak ang ilagay ay TarlaGo na lang at sa ilalim ay lagyan ng slogan na Iboto natin si Mark Go (Mak Goh/金文大篆甲骨文) para laGOt ang mga gaGO at ang mga mababait ay mabibigyan ng libreng GOto na may baGOong pa Hi! Hi! Hi! LaGOt ka na Aliping ng bayad este bayan at pati na rin ikaw Vergara laGOt ka na rin at andito na si GO GO GO gamit ang Gomobil! Hi! Hi! Hi!
#####
Kung ako ang inyong tatanungin mga dear readers, kung papipiliin ninyo ako sa mga kasalukuyang kandidato kung sino ang iboboto ko, kung si Go, Vergara, o Aliping, malinaw naman na subok na si Vergara. Si Aliping DALAWANG BILYONG PISONG pondo ang kanyang nakalap pero saan na napunta at puros pag bubungkal ng mga magaganda pa na National Roads ang ating nakikita. Si Vergara nasa several hundreds of millions lamang per term pero ang daming accomplishments. Tsk! Tsk! Tsk! Tunay na isang palaisipan ito na sumisigaw ng isang mainit na kasagutan. Maka-asa kayo na sa pahayagang ito through the Linis Gobyerno (www.linisgobyerno.org) ay ating ibubunyag, sisiyasatin at susuriin ng detalyado ang lahat ng pinagkagastusan at pinuntahan ng mga Bilyones na pondo ni Aliping!!!
#####
Tutuo kaya ang liham na natanggap ng ating opisina mula sa isang Mark L. Santiago kung saan sinasabi na ito raw si Tongressman este Congressman Aliping ay nag-deposit ng halagang P500,000.00 o kalahating milyon sa isang BPI Account ni Deputy Ombudsman Gerald Mosquera (mayroon pang naka –attach na xerox copy ng BPI deposit slip na burado naman ang ilang numero ng nasabing account, bakit???) para daw upuan ang kaso laban kay Apo Tong este Apo Cong. Eh sinampa naman ng OMB ang reklamo, hindi po ba? Agad nating sinulatan ang tanggapan ni Deputy OMB Mosquera kung ano ang kanyang masasabi. Susulatan sana natin ang BPI kaya lang sigurado ko na sasabihin lang nila ay sorry, bank secrecy laws will not allow us to divulge the authenticity of this document. Ayon pa sa sulat ay ang nasabing deposit slip ay binigay ng isang taga kampo ni Aliping
Kung tutuo ang info na ito, sino kaya ang humudas kay Apo Tong? Kung sabagay, maaring may katotohanan ang alegasyon sapagkat inabot din ng may katagalan ang pag-sampa ng reklamo kay Apo Tong ng OMB. Anyway, dapat lang na imbistigahan ni Omb Morales ang ganitong klase na mga alegasyon at ating aabangan ang magiging kasagutan ni Deputy OMB Mosquera at agad ko ring ipapaalam sa inyo.
#####
Isa’t kalahating linggo na lang at magkaka-alaman na kung sinu-sino ang mga papalarin na mamumuno na opisyales. Sa mga TALUNAN, DO NOT FEEL BAD paka-tatandaan ang parati nilang sinasabi na TRY AND TRY UNTIL YOU DIE este UNTIL YOU SUCCEED. Mabilis ang 3 years. Tingnan ninyo si Apo Jomol ayaw tantanan si Apo Morris at kung hindi ako nag-kakamali ay pang-apat (4th) na encounter na nila ito.