>Grace Poe, Binay, at Miriam >ISIS, Al-Qaeda at Abu Sayyaf

ISIS, Al-Qaeda at Abu Sayyaf – Mukhang nagkakagulo na sa buong mundo dala ng mga radikal na Islamic terrorists. Sa atin mayroon na rin mga sleeper cells ng Isis at Al-Qaeda at kasama nila ang Abu Sayyaf. Marahil ay panahon na lang ang inaantay bago dumating sa Metro Manila ang mga gulo na ito sapagkat sinabi rin ng pamumuno ng Isis na dala ng kanilang pag-establish ng isang caliphate ay kailangan na masakop nila ang lahat ng lugar na hindi sumusunod sa mga patakaran ng Islam at Shariah Law at lalo na ngayon na mukhang malabong makalusot at BBL ni Penoy at Aqbal.

Kaya nga baka mag-convert na rin ako sa Islam at maging isang Muslim na rin ako. Ano say ninyo mga dear readers? Mag-convert na kaya tayo? Puwede pa ba ako mag-convert Atty. Bomogao?

Kung sabagay, sa Islam ay pinapayagan ang lalake na makapag-asawa nang hanggang lima. Para sa akin ok ang maraming asawa, ang problema ko lang ay hindi kaya ng bulsa ko mag-sustento ng limang asawa. Hi!Hi! Hi! Hindi naman ako katulad ni pareng Bombito na kayang-kaya ang limang asawa. Hi! Hi! Hi!

Ngunit sa isang seryosong usapin, nung ako ay tinanong (at nai-sulat ko na rin ito sa nakaraan kong kolum) kung ano ang aking opinyon para magkaruon ng kapayapaan at katahimikan hinggil sa kasalukuyang problema sa Mindanao, ang sagot ko ay ibalik ang Mindanao sa mga Muslim at lahat ng Muslim sa Luzon at Visayas ay pupunta na sa Mindanao at lahat ng hindi Muslim ay aalis sa Mindanao at pupunta na lang sa Luzon o Visayas. Ito lang ang malinaw at siguradong solusyon na siguradong magbibigay ng permanenteng katahimikan. Tutal, hindi naman natin mapagkakaila na historically, nauna ang mga Muslim sa Mindanao. Ano say ninyo mga dear readers? Dapat magkaroon ng movement na ibalik ang Mindanao sa mga Muslim basta’t ang kondisyon ay aalis din ang mga Muslim sa Luzon at Visayas!!!

*****

Grace Poe, Binay, at Miriam– Malinaw sa kasalukuyang mga surveys na nangunguna si Grace Poe, pumapangalawa naman si Nognog este Binay, at pangatlo si Miriam. Asan na kaya si Mar, bakit hindi lumalabas sa mga surveys?

Ang tanong ngayon ay kapag sumama sa karera si Du3, siguradong si Poe at Du30 ang maglalaban kaya ang mananalo ay kung hindi si Nognog, si Brenda este Miriam.

Ayon sa nabasa ko na isang pagaaral ng isang tanyag na political analyst, ang klase ng mga bobotante este botante ni Poe at Du30 ay magkapareha, at iba rin ang kay Miriam, at iba rin para kay Nognog este Binay. Ayon din sa political analyst na gumawa ng pag-aaral, dahil sa eksena na ito, magiging isang minority votes president ang susunod na pangulo katulad ng nangyari nung kapanahunan ni FVR. Dahil dito ay posible na makalusot si Mar Roxas. NNNGGGGEEKKKKK!! Patay na naman ang sambayanang Pilipino sa another six (6) year of daang matuwad ng ka-ipokritohan.

Kailangan siguro ay magtayo ng isang samahan o movement na anti-Roxas or kung tawagin ay Vote Kahit Sino Huwag Lang Tuta Ni Penoy. Pasensya na secretary teka-teka at ganyan talaga ang nangyayari sa mga taong mahilig sa teka-teka at nag bubulag-bulagan sa mga karumal-dumal na DAP at PDAF!!!

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages