Sa ngayon ay hindi muna ako magbibigay ng aking opinyon hinggil sa aking katanungan na kung gumanda nga ba ang buhay ng mga Pilipino. Wala pang isang taon ang kasalukuyang administrasyon, at sa mga nakaraang administrasyon ay naging isang accepted practice na ang bigyan ng sinasabing honeymoon period na 100 days bago batikusin ang bagong administrasyon. Sa ngayon ay mahigit na 100 days or actually ay 8 months na ang kasalukuyan administrasyon, at maliban sa dinami-dami ng pinapatay maging “nanlaban daw” at mga “extra judicial killings” at pagpapalibing kay Marcos sa LNB, wala pang malinaw na mga accomplishments ang Digong Presidency patungkol sa ikabubuti ng buhay ng mga Pinoy. Hindi ko maalis sa aking sarili na magtanong kung gumanda nga ba ang buhay ng Pilipino? Sa aking palagay ay ito lang naman ang katanungan o bottomline sa karamihan na mga pamilyang Pilipino na nais nila na gumanda o guminhawa ang kanilang buhay. Samakatwid ay dapat ay gumanda ang ekonomiya, bumaba ang bilihin o tumaas ang sahod or both which is mas maganda kung bababa ang mga basic na bilihin at tataas ang ating sahod. Katulad ko na isang hamak lamang na wage earner, mahalaga sa akin na bumaba ang presyo ng bigas at ang iba pa na mga basic na bilihin.
Kung inyong matatandaan ang isa sa mga pangano ni Pangulong Digong at bababa ag presyo ng bigas na mapupunta sa mga P15/per kilo. Ang tanong ay ANYARE, ANYARE SA PANGAKO NA ITO, NAPAKO NA KAYA??? Tatanggalin daw ang korapsyon sa gobyerno, ANYARE, ANYARE SA PANGAKO NA ITO kung saan gana-gana ang mga Tongresista este Tongressmen at mga Senatongs??? At ngayon ay pinapalaya pa ang reyna PDAF Scam.
Kayo ang maghuisga mga dear readers, dalawang pangako lang muna ang aking binanggit at sabihin ninyo sa akin kung gumanda ang buhay ninyo at isipin ninyo na mahaba-haba pa ang panahon na mararanasan sa ilalim ng Digong Administration.
Sa ngayon ang masasabi ko lamang ay MAHAL NA PANGINOON, BAHALA NA KAYO SA MGA KABABAYAN KONG PILIPINO NAG NAGMAMAHAL SA INYO at KAYO RIN NAMAN ANG NAKAKAALAM KUNG ANO ANG NARARAPAT SA MGA WALANGHIYANG NAGBUBULAG-BULAGAN, NAGBIBINGI–BINGIHAN NA NAGPAPAHIRAP SA SAMBAYANAN!!!