Hataw na Kaibigan – CALTS – A Useless Piece of Paper?! | Mukha Ngang Inutil Talaga ang NCIP?

Certificates of Ancestral Land Titles (CALTs)  ng mga Ancestral Land Claimants –a useless piece of paper?!?!- Bagamat hindi ako isang abogago este abogado ngunit  base sa aking pagkakaunawa ay ang naging pinal na desisyon ng Korte Suprema hinggil sa mga CALTs issued sa Casa Vallejo, Pacdal Circle, Wright Park at Lualhati ay may pagkakaiba ang mga sirkumstansiya (circumstances) kumpara sa ibang mga CALTs sa Baguio. Ayon sa isang newspaper write up “… The  said lots in the present case were not shown to be part of any ancestral land prior to the effectivity of the IPRA. To stress, private respondents rights over the subject properties…were never recognized in any administrative or judicial proceedings prior to the effectivity of the IPRA law,” the court said.”  Dahil dito, malinaw na iba’t ibang circumstances ang mga issued na CALTs sa Baguio at hindi absolute ang sinabi ng Korte Suprema na ang NCIP “has no legal authority to issue CALTs or CADTs (Certificate of Ancestral Domain Titles)” over said properties as these were townsite reservation areas  in the city.”  Dapat natin unawain na iba’t iba ang mga kundisyones at sirkumstansya (circumstances) ng mga ancestral land claimants.

####

Katulad halimbawa ng mga CALTs na na-issue diyan sa Loacan Road, sa may parteng VOA at Forestry. Matanong nga natin si Mayor Domogan kung ano ang say niya hinggil sa mga CALTs sa lugar na yun na nakapangalan sa angkan ng mga Carantes at sa mga ibang mga CALTs pa na issued sa mga ibang lugar. Hi! Hi! Hi! Kasi kung gagawing batayan o basehan ang mga na issue na CALTs sa ngayon ay dapat ay ipakansela na rin ang lahat ng mga CALTs sa Baguio.   

####

Mukha ngang inutil talaga ang NCIP– Base sa aking mga nakalap na impormasyon hinggil sa mga nakansela na CALTs kamakailan lamang ay ayon sa isa nating impormante ay wala naman daw naitulong ang NCIP pag dating sa larangan ng Legal defense . Kung tutuo ang impormasyon na ito eh di malinaw na INUTIL NA NGA ITONG NCIP. Saan ka naman nakakita ng isang opisina na nag issue ng isang legal document (titulo pa man din)  kung saan kindi man lang ija-justify at ilalaban ng opisina o ahensya ng gobyerno ang kanilang na issue na CALTs? Samakatwid,  ang ibig sabihin ba nga NCIP ay ang mga CALTs are a mere scrap of paper? Mabuti pa pala ang toilet paper nagagamit sa pag singa sa ilong o pamunas ng  puwet, eh alangan naman gamitin mo ang isang CALT na pamunas ng puwet  eh baka masugatan pa ang puwet mo. O katulad halimbawa ng ticket ng bus (victory liner) at least magagamit sa pagsakay ng bus at pagpunta sa ibang lugar eh ang CALT ano po ba ang gamit mga taga NCIP, pang display? 

ADVERTISEMENT

Visitor Counter

Pages