HENRY LAO-huli sa akto – Bakit kaya ganito itong babaeng ito este lalakeng ito? Dati ng sikat itong si Mr. Henry Lao ng Tiongsan Department Store and big boss ng Tiongsan Mabini, Tiongsan Magsaysay, at Tiongsan La Trinidad. Noong araw ay ibinalita mismo ng Midland Courier na itong si Henry Lao ay nahuli daw sa Burnham Park na ewan ko na nga ba kung ano na nga ba yung kinasangkutan nya nun? Tumatanda na talaga ako at nagiging makakalimutin na ako. Hi! Hi! Hi!
Bagama’t parating nakikita natin ang mga iba’t-ibang uri ng mga mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso katulad ng Lamborghini, Porsche, Ferrari at iba pa na pag mamay-ari nitong si Boss Henry na nakaparada sa kaniyang hotel sa may Legarda Road, maliban dito ay nakikita rin natin siya madalas na ginagamit ang mga sasakyan na ito at siya mismo ang nagmamaneho (no tint, bukas lahat ang bintana at top down pa minsan) with matching blaring loud speakers, kaya ng minsan ay akala ko may karo ng patay na dumarating eh yun pala ay dumarating lang pala si Boss Henry. What a grand entrance ika nga!
Matagal na rin naichi-chismiss ang istilo nitong si Boss Henry pagdating sa kanyang double standard daw na pagtrato sa kanyang mga empleyado na iba daw ang trato niya sa mga babae at iba naman daw sa mga lalake lalo na kung macho at gwapo. Hi Hi Hi Ano kaya ang ibig sabiihin nga mga chismoso na magka-iba ang trato ni Boss Henry sa mga chika-babes at iba naman daw sa mga lalakwe? What o what do they mean?
Anyway, itong latest na huli sa akto si Boss Henry na inyong mapapanood at napakaraming mga shares sa FB ay ang kanyang pang-bibintang, pambabastos, pag-hahawak ng hindi maganda (kanyang bahagyang kinaladkad) ang isang customer niya na diumano daw ay ninanakawan o dinadaya siya. Sa akin, ok naman na magalit itong si Boss Henry. Kaya lang, yun kanyang pinakitang pang-aapi at iskandalosong pag –aasta ay tunay na katawa-tawa at maling-mali.
Panoorin po ninyo ang video at kayo na ang mag-husga.
Ang akin lang ay Boss Henry, payong kaibigan lang, mag-ingat ka one of these days ay may makakatapat ka rin at baka pasabugin yang bunganga mo. Lintik lang ang walang &*%$#**(U.
Mabuti na lang at ang aking kaibigan na kapatid ni Boss Henry na si Mr. Alfonso Lao ay siyang isang tunay na magiting at maayos na negosyante and civic leader, hindi tulad ni Boss Henry na ganun-ganon na lang kung umasta.
Sa kawawang babaeng biktima ni Boss Henry, handang-handa ang kolumnistang ito na tulungan ka para makamit mo ang hustisya. Kumontak ka lang.
####
Cong Aliping: – You cannot put a good man down- Tumitindi na muli ang mga panira kay Apo Congressman Aliping. Marami ng mga kwento na kesyo ganito o ganyan ang mga pinaggagawa ni Cong. Aliping at kesyo daw no chance nang lalabas uli si Cong. Aliping dahil isa siyang naninira ng kalikasan etc. At ang matinding gigiba daw kay Cong. Aliping ay si Go Go Go Go Go at kung malas-malasin daw si Go Go Go Go ay anjan naman na sesegunda itong si lakay Bernie. Hi! Hi! Hi! Kung sabagay nakikita naman natin ang mga pag-iikot ni Apo Mark Go sa mga iba’t ibang mga barangay kung saan siya ay naiimbitahan bilang panauhin at bwisita este bisita.
Eto ngayon ang matindi kay Apo Cong. Aliping. Kahit na siya ay isang neophyte tongressman este congressman ay matitindi ang kanyang mga accomplishments at ang kanyang mga natutulungan. Kaya dahil dito ang aking lamang masasabi ay – YOU CANNOT PUT A GOOD MAN DOWN.
Anyway, mayroon tayong kasabihan sa pol-politika na nagmula kay dating US Secretary of State Henry Kissinger na sinabi na “America has no permanent friends or enemies only interests,” at ganoon din naman sa lokal na pol-politika walang permanenteng kaibigan or kalaban kung hindi permanenteng pan-sariling interes lamang. Mabuhay po tayong lahat! At parating pakatatandaan its mor pan in d pilipins